Paglikas, pagbaha naranasan sa ilang lugar sa Luzon dahil sa Bagyong Florita

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paglikas, pagbaha naranasan sa ilang lugar sa Luzon dahil sa Bagyong Florita

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 23, 2022 08:51 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

(UPDATE) Nagpatupad ng paglikas sa ilang lugar sa hilagang Luzon dahil sa banta ng baha at landslide bunsod ng malakas na ulang dala ng Bagyong Florita.

Sa Cagayan province, 138 pamilya ang inilikas sa mga evacuation center.

Labingsiyam na bayan din sa probinsiya ang nawalan ng kuryente.

Bagaman wala naman gaanong naputol na poste pero gusto muna ng mga awtoridad na mainspeksiyon ang mga linya ng kuryente kung may sira bago buksan muli ang supply nito.

ADVERTISEMENT

Sa bayan ng Baggao, nagpatupad ang municipal disaster office ng forced evacuation, lalo't natuto na sila matapos makaranas ng matinding baha noong 2020 bunsod ng Bagyong Ulysses.

Umapaw din ang ilang ilog kaya isolated ang maraming barangay sa Baggao.

Nalubog din sa tubig ang isang tulay at mistulang naging dagat ang taniman ng mais dahil sa baha.

Sa Tuguegarao City, pinasok naman ng tubig ang ward sa Cagayan Valley Medical Center kaya kinailangang ilikas at ilipat ang mga pasyente.

Watch more News on iWantTFC

Sa Apayao, nagpatupad na rin ng preemptive evacuation sa ilang bayan dahil sa mga banta ng landslide at baha.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Apayao disaster office head Joeffrey Borromeo, higit 70 pamilya ang inilikas mula sa mga bayan ng Sta. Marcela at Sta. Luna.

Binabantayan naman ang antas ng tubig sa Apayao River at landslide-prone areas.

Sa Isabela, inilikas na rin ang mga residenteng nakatira sa coastal areas.

Sinuspinde na rin ni Governor Rodito Albano III ang klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan gayundin ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno.

Watch more News on iWantTFC

Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Ilocos Norte at Ilocos Sur.

ADVERTISEMENT

Sa Ilocos Norte, kaniya-kaniyang ligpit ang mga mangingisda ng kanilang mga bangka at gamit pangisda dahil hindi muna sila papalaot.

Umapaw naman ang Quiaoit River sa Batac, dahilan para mapuno ng putik ang ilang barangay.

— May ulat nina Jeck Batallones at Reiniel Pawid, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.