Pang-aapi umano ng guro sa mag-aaral iniimbestigahan ng DepEd | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pang-aapi umano ng guro sa mag-aaral iniimbestigahan ng DepEd

ABS-CBN News
Published Aug 23, 2022 08:42 AM PHT
|
Updated Aug 25, 2022 02:28 PM PHT

Viral na ang post ng isang netizen na ikinuwento ang nangyaring pambubully umano ng isang guro sa Grade 5 pupil at 10-anyos niyang pamangkin sa unang araw ng eskwela sa Camarines Norte.

Ayon kay Jeannie Vargas, umuwing umiiyak ang bata. Hindi umano nito kayang sambitin, kaya isinulat sa papel ang sinabi ng class adviser.

Ayon sa bata, tinawag umano siya ng guro na bruha, bobo at hayop.

“Yung 'bobo' daw ng sinabi sa kanya, pabulong. Masyadong personal,” ani Vargas.
“Yung 'bobo' daw ng sinabi sa kanya, pabulong. Masyadong personal,” ani Vargas.
ADVERTISEMENT
“Kung hindi po masaya sa pagiging guro sa mga bata, hanap na lang po ng ibang career. 'Wag niyong idamay mga estudyante na sumusubok pa lang lumaban sa buhay,” saad nito.

Panlulumo at galit ang nararamdaman ngayon ng kaanak ng bata sa guro. Sa halip umanong maging katuwang sa pagtuturo ng tamang asal, ito pa ang maging sanhi para bumaba ang tiwala nito sa sarili.

Payo niya sa mga magulang, palaging kumustahin ang anak pagkagaling sa eskwela.

“Minsan, baka tahimik lang pero sobra na palang pambubully ang nakukuha sa school. At lalong wag po tayong matakot to stand up for our kids. Pag nakikita nila na kaya natin silang ipaglaban sa mga taong mali, matututo rin silang ipaglaban mga sarili nila balang araw,” dagdag nito.

Ayaw nang pumasok umano ng bata dahil sa dinanas niya.

Ayon sa Department of Education-Bicol, beneberipika na ng division office nila sa Camarines Norte ang post, at tiniyak na may mananagot pagkatapos ng imbestigasyon.

“Tinitignan na po ito ng SDO CamNorte anong school/private o public ba before they will take appropriate actions,” pahayag ng DepEd-Bicol.—Ulat ni Jonathan Magistrado