DOH: Mga Pinoy dapat mahigpit na sundin ang minimum health standards

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DOH: Mga Pinoy dapat mahigpit na sundin ang minimum health standards

ABS-CBN News

Clipboard

Pinayuhan ng Department of Health ang mga Pilipino na mahigpit na sundin ang mga minimum health standards.

Ito ay matapos inanunsiyo ng World Health Organization na aabutin ng halos 2 taon ang pandemyang dulot ng COVID-19.

"Hindi pa natin nakikita na mayroon na tayong signs na siya (pandemya) ay titigil," ani Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire.

"Makagawian sana na new normal kung saan lagi tayong naka-mask, lagi tayong naghuhugas ng kamay, lagi tayong may physical distance, nananatili tayong nasa bahay kung wala namang gagawin sa labas," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Vergeire, mas mainam kung mapapanatili ang mababang case fatality rate sa bansa at ang mas kaunting bilang ng mga pasyente na severe o kritikal ang lagay.

Dahil isang taon pa o higit ang hihintayin, patuloy naman ang pagpupursige ng mga scientist sa buong mundo para sa gamot at bakuna laban sa COVID-19.

Sa Pilipinas, tuloy-tuloy ang solidarity trial ng WHO gamit ang mga gamot na remdesivir at interferon.

Naantala naman umano ang clinical trials para sa gamot na avigan mula Japan.

"Supposedly it was set to start on August 17 but there were a lot of processes na hindi pa natatapos. Katulad ng finalized budget, hindi pa iyan naa-approve," ani Vergeire.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Vergeire, hinihintay pang maaprubahan ito ng ethics committee ng mga ospital na lalahok, pero inaasahang mag-uumpisa ito ng Setyembre 1.

Para naman sa bakuna, sinabi ng Department of Science and Technology na tuloy ang ugnayan nila sa counterpart nila sa Russia.

"Currently, we are reviewing the documents," ani Jaime Montoya, executive director ng DOST Council for Health Research and Development.

"They might request additional data from our Russian colleagues, maybe in a week, we'll know [if] there is a high likelihood if a trial will be done," dagdag niya.

Lalahok din ang Pilipinas sa solidarity trial ng WHO sa bakuna kontra COVID-19.

ADVERTISEMENT

Sa haba ng proseso, posibleng sa susunod na taon pa mailabas ang bakuna.

Nitong Linggo, inanunsiyo din ng United States na binigyan na ng kanilang Food and Drug Admninistration ng emergency approval ang paggamit ng convalescent plasma para matulungan ang mga paysenteng may COVID-19.

Pero ayon sa FDA ng Pilipinas, inaaral pa ito sa bansa bagaman pinapayagan ang paggamit nito batay sa DOH guidelines.

Inaaral din ng DOST ang virgin coconut oil na pinapaniwalaang may anti-viral properties at puwedeng gamitin bilang supplement sa mga COVID-19 patient. -- Ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.