Daan-daan nagmartsa, naghatid kay Kian sa huling hantungan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Daan-daan nagmartsa, naghatid kay Kian sa huling hantungan
ABS-CBN News
Published Aug 26, 2017 05:09 PM PHT
|
Updated Aug 27, 2017 01:42 AM PHT

Tuluyan nang inihatid sa huling hantungan si Kian Loyd Delos Santos Sabado ng hapon habang patuloy pa ring sumisigaw ng hustisya ang kanyang mga kaanak, kaibigan, at mga taga-suporta.

Alas-8 pa lang ng umaga, dagsa na ang mga taga-suporta na dumating upang makasama sa paglibing sa binata.

Suot-suot ang kanilang 'Justice for Kian' t-shirts, ilang beses nilang isinigaw ang 'Justice for Kian' sa prosisyon patungong presinto siyete kung saan naka-assign ang tatlong pulis na sangkot sa pagpatay kay Delos Santos. Doo'y nag-alay ng dasal ang mga lumahok sa prosisyon, bago dumiretso sa simbahan ng Sta. Quiteria para sa huling misa bago ang libing.

Doon bumaha ang luha ng pamilya, kaibigan, at mga taga-suporta.
Doon bumaha ang luha ng pamilya, kaibigan, at mga taga-suporta.
ADVERTISEMENT
Sa homily ni Bishop Pablo Vergilio David ng Diocese ng Caloocan, sinabi niyang hindi lang si Delos Santos ang tanging nakaranas ng nangyari sa kanya sa kanilang lugar.

May isang dosena pang kasong tulad ng binata, kung saan namatay ang mga menor de edad na walang kinalaman sa droga, ayon kay David. Dagdag pa niya, marami ang nakasasaksi ngunit hindi tumetestigo dahil sa takot na baka sila'y balikan at mawalan ng anak.

Humarap naman ang isang inang naging biktima rin ang anak ng umano'y extrajudicial killings.

Naglabas din ng sama ng loob ang ama ni Delos Santos sa mga pulis.

Mula simbahan, nagprosisyon papuntang La Loma Cemetery ang mga tao. Habang patungo roon, parami nang parami ang mga nakisali sa martsa.

May mga sumamang grupo na naglabas ng kanilang mga sariling bandera. Mayroon ding mga naglabasan mula sa mga opisina, at may mga motoristang nakisama sa pamamagitan ng pagbusina. Sa dami ng tao, kinailangan pang paalalahanan na magbigay-daan sa karo ni Delos Santos.

Tumagal nang halos dalawang oras ang isinagawang funeral march. Halos alas-2 na ng hapon nang makarating ang mga labi nito sa La Loma Cemetery.

Siksikan ang mga tao malapit sa puntod kung saan inilibing ang binata. Sa dami ng tao, kahit ang pamilya niya ay nahirapan, kaya't agad nang ipinalibing si Delos Santos at umalis ang kanyang pamilya.

Ayon kay Father Robert Reyes, puwede pa ring magkaroon ng pagkakataon ang pamilya ni Delos Santos na makapagdasal at makapagpaalam nang walang gulo o wala masyadong tao sa puntod ng binata.

Umaasa rin si Reyes na sana'y hindi sa libing ni Delos Santos matapos ang kanyang istorya, kung hindi magsilbi sana itong simula para gumulong ang hustisya.

-- Ulat nina Jasmin Romero, Jeff Hernaez, at Patrick Quintos, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
war on drugs
Kian Loyd delos Santos
Caloocan
funeral
libing
TV Patrol
Jasmin Romero
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT