Eroplano bumagsak sa resort sa Calamba City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Eroplano bumagsak sa resort sa Calamba City
ABS-CBN News
Published Sep 01, 2019 04:55 PM PHT
|
Updated Sep 01, 2019 06:19 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) — Isang private plane ang bumagsak sa isang resort sa Barangay Pansol, Calamba City, Laguna bandang alas-3 ng hapon Linggo, batay sa ulat ng mga awtoridad.

Nangyari ang plane crash sa Miramonte Village, Purok-6, sa isang private resort.

Eroplano, bumagsak sa isang private resort sa brgy. pansol, calamba city, laguna; mag-inang, caretaker, sugatan; mga sakay ng eroplano, hinahanap pa pic.twitter.com/7OvUQv9Tt1
— Dennis Datu (@Dennis_Datu) September 1, 2019

Sugatan ang mag-inang caretakers ng resort na sina Malou Roca, 40, at John Rey, 20, pero agad naman silang naisugod sa ospital.

Isang bangkay na ang narekober ng mga awtoridad, na hinihinalang isa sa mga pasahero.
Isang bangkay na ang narekober ng mga awtoridad, na hinihinalang isa sa mga pasahero.
ADVERTISEMENT
Galing sa Dipolog City ang eroplano at papunta sanang Maynila lulan ang 9 tao para sa medical evacuation. Kabilang sa mga pasahero ang isa umanong pasyente, nars, doktor at ang piloto.

Patuloy ang paghahanap sa iba pang sakay ng eroplano.

Sabi ni Calamba City public information officer Jeff Rodriguez, nasa ere pa lang ang maliit na eroplano ay pagewang-gewang na ito at unti-unting nagpipira-piraso.

Patuloy ang imbestigasyon ukol sa insidente.

—Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT