Police station sa Butuan inatake ng mga hinihinalang NPA | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Police station sa Butuan inatake ng mga hinihinalang NPA

Charmaine Awitan,

ABS-CBN News

Clipboard

Inatake ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) ang istasyon ng Butuan City Police Station 5 nitong Lunes, Sept. 2, 2019. Charmaine Awitan, ABS-CBN News

BUTUAN CITY – Inatake ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) ang istasyon ng Butuan City Police sa Barangay San Mateo sa lungsod nitong Lunes.

Pasado alas 10:00 ng gabi ng nangyari ang pag-atake na pinalagan naman ng pulisya at sundalo na nadestino sa istasyon.

“Laging prepared 'yung mga personnel natin sa Station 5 dahil alam nila ang sitwasyon doon at mayroon ding augmentation galing sa Philippine Army at 'yung mga residente doon sa area na iyon ay nagbibigay sila ng information," ani Police Capt. Emerson Alipit, spokesperson ng Butuan City Police.

"Nag-retaliate 'yung mga personnel natin doon at noong nagamitan na sila ng tubo M203 tsaka sila nag-withdraw," aniya.

ADVERTISEMENT

Mga 11 na tama ng bala ang makikita sa gusali ng istasyon. Basag din ang ilang mga salamin ng bintana at nagkalat pa ang mga bubog.

Inatake ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) ang istasyon ng Butuan City Police Station 5 nitong Lunes, Sept. 2, 2019. Charmaine Awitan, ABS-CBN News

Ayon sa pulisya, nakapuwesto sa may bulubunduking bahagi ng isang paaralan at sa may Subait River na malapit sa istasyon ang mga rebelde ng magpaputok ang mga ito.

Natakot ang mga residente sa lugar lalo pa’t malapit lang ang kanilang mga bahay sa istasyon ng pulis.

Wala namang naitalang sugatan sa panig ng mga pulis at sundalo pero hindi pa matiyak sa panig ng hinihinalang mga rebelde.

Maraming bala ng M16, M14, at AK-47 rifle ang nakuha malapit sa Subait River nang magsagawa ng clearing operation ang awtoridad nitong Martes.

Taong 2017 nang unang inatake ng mga miyembro ng NPA ang istasyon at nasundan ito ng dalawang beses noong 2018.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.