Mga eksperto umalma sa panukalang regulasyon ng MTRCB sa streaming sites
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga eksperto umalma sa panukalang regulasyon ng MTRCB sa streaming sites
ABS-CBN News
Published Sep 04, 2020 03:32 PM PHT
|
Updated Sep 04, 2020 04:11 PM PHT

MAYNILA — Sari-saring batikos ang pinakawalan ng iba't ibang sektor sa hirit ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na pakialaman ang mga ipinalalabas ng Netflix at iba pang video streaming service.

Huwebes sa isang Senate hearing ay sinabi ni MTRCB Legal Affairs Division chief Jonathan Presquito na dapat magbalangkas ang Senado ng polisiya para mabantayan nila ang ipinapalabas ng streaming services.

"Stream services like Netflix are video on demand platforms. We have to regulate those platforms. We have to ensure that those materials being shown on those platforms are compliant with MTRCB laws," aniya.

Pero sabi ng mga eksperto, wala itong basehan sa batas dahil hindi na ito sakop ng kapangyarihan ng MTRCB.
Pero sabi ng mga eksperto, wala itong basehan sa batas dahil hindi na ito sakop ng kapangyarihan ng MTRCB.
ADVERTISEMENT
"So paano ang intensiyon na i-regulate ang internet? Noong ginawa ang batas mula nang ibigay ang kapangyarihan sa MTRCB wala pang internet. Hindi ito maaaring i-interpret na sumasaklaw sa ganitong medium. Mukhang mali ang approach ng MTRCB sa larangang ito. Wala sa kaniyang kapangyarihan ang mag-regulate ng internet," ayon sa abogadong si Enrique Dela Cruz.

Ang MTRCB ay nabuo noong panahon ng diktaturya ni Ferdinand Marcos, kung saan matindi ang censorship.

Ganito din ang tingin ng abogado at media law expert na si Marichu Lambino.

"Kung 'yun ang gusto niyang mangyari lahat po 'yan ay ire-regulate ng MTRCB at hindi po puwedeng gawin ng MTRCB na i-restrict ang internet dahil ang internet mas malaki pa sa planeta. Hindi po siya Diyos, wala po siyang kapangyarihang sagkaan ang Facebook, YouTube, ganyan,"

Pero may agam-agam pa ang propesor kung bakit nais itong gawin ng MTRCB.
Pero may agam-agam pa ang propesor kung bakit nais itong gawin ng MTRCB.
ADVERTISEMENT
"Sa tingin ko, gusto nilang magkaroon ng karagdagang kapangyarihan dahil karamihan ng mga mamamayan ngayon ay nanonood na ng video streaming app sa halip na pumunta sa sinehan dahil sa pandemic. So nawalan siya ng trabaho. Baka nawalan rin siya ng kita," ani Lambino.

Nauna nang sinabi ng Netflix na nagkaroon sila ng 16 milyong bagong subscribers sa unang quarter ng 2020, bunsod na rin ng quarantine dahil sa pandemya kung saan nanatili lamang sa kani-kanilang mga bahay ang mga tao.

Depensa naman ng MTRCB, mabibigyan pa daw ng kapangyarihan ang manonood kapag may regulasyon.

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
Netfix
MTRCB
streaming providers
Iflix
Movie and Television Review and Classification Board
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT