3 lalaking nag-report ng 'carnapping' biglang nawala

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 lalaking nag-report ng 'carnapping' biglang nawala

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 05, 2019 08:19 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv


(UPDATE) Tatlong lalaki mula Imus City, Cavite ang nawawala matapos iulat sa pulisya ang pagtangay sa kotseng pag-aari ng isa sa kanila.

Iniuugnay ang pagkawala ng grupo sa modus na rentangay, ayon kay Lt Col. Junar Alamo, hepe ng Imus police.

Kinilala ang mga nawawala bilang sina Aurelio Manalo, Francis Latog, at ang Arabong si Fahd Haidarah.

Noong Agosto 28, nagpunta sa Highway Patrol Group (HPG) sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City ang 3 lalaki para iulat ang pagkawala ng kotse ni Manalo.

ADVERTISEMENT

Ipinasok ni Manalo noong Enero 2018 ang kaniyang kotse sa rent-a-car business nina Latog at Haidarah. Ipinasa umano ni Latog ang sasakyan ni Manalo sa kasosyong kinilalang si Claire Pangilinan.

Makalipas ang isang buwan, nawala ang kotse ni Manalo kaya nagtungo ang 3 lalaki sa HPG para kumuha ng police report na kailangan para sa kasong carnapping na isinampa kay Pangilinan.

Sa police blotter, 3:40 ng hapon nang makarating ang 3 lalaki sa HPG.

Nag-text si Manalo sa kaniyang ina bandang 9:29 ng gabi at sinabing kakain sila pero iyon na ang huling pakikipag-ugnayan ng mga nawawala.

Posibleng may kinalaman ang pagkawala ng grupo sa pagkawala ng kotse, ayon kay Alamo.

Dati na ring inireklamo si Latog dahil sa modus na rentangay, sabi ng hepe.

Nire-review na rin ng pulisya ang kuha ng mga surveillance camera sa lahat ng posibleng dinaanan ng kotse mula Camp Pantaleon Garcia.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.