'Rosaryo ng demonyo, may dalang sumpa', nadiskubre ng paring exorcist
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Rosaryo ng demonyo, may dalang sumpa', nadiskubre ng paring exorcist
ABS-CBN News
Published Sep 06, 2017 05:54 PM PHT
|
Updated Sep 06, 2017 11:04 PM PHT

CBCP may paglilinaw
CBCP may paglilinaw
Ikinuwento ng isang pari ang unang beses na nakita niya ang umano'y 'satanic rosary' na nag-viral sa social media.

Ayon kay Fr. Ambrosio Nonato Legaspi, chief exorcist ng Diocese of Novaliches, dalawang buwan na ang nakalipas nang una siyang makakita ng ganitong rosaryo habang nagpapaalis siya ng masamang espiritu sa isang bahay.

Sa unang tingin, hindi mo raw mapapansin ang pinagkaiba nito sa isang tunay na rosaryo.

Pero kung susuriing mabuti makikitang may apat na araw ito sa bawat kanto ng krus na simbulo umano ng isang kulto.
Pero kung susuriing mabuti makikitang may apat na araw ito sa bawat kanto ng krus na simbulo umano ng isang kulto.
ADVERTISEMENT
Sa likod ng katawan ng imahe ni Hesus ay may nakapulupot ding ahas.

Ayon kay Legaspi, may dalang malas o sumpa ang rosaryo sa taong nag-aari nito.

Pumalag naman ang Catholic Bishops' Conference Of The Philippines (CBCP) sa kumalat na balita.

Nilinaw nila na hindi sa kanila galing ang balita.

Ayon din sa CBCP, maaring hindi talaga rosaryo ang nakita ni Legaspi, kundi isang anting-anting o mga bagay na nabibili tulad sa mga bangketa ng Quiapo.

Sabi naman ni Legaspi, kung makatanggap ng ganitong mga rosaryo, puwede itong pabendisyunan sa pari o ipa-exorcise.

Puwede ring i-turn over na lang ito sa pari.

Nakaabot na sa Pangasinan ang balita tungkol sa satanic rosary, pero hindi naman daw apektado ang bentahan ng rosaryo sa dinarayong simbahan ng Our Lady of Manaoag.

Pero sa Cebu City na kilala sa mga simbahan nito, ayon sa mga nagtitinda ng rosaryo, naging matumal ang kanilang benta dahil sa balita ng satanic rosary. -- Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Read More:
Jeck Batallones
balita
rosary
satanic rosary
Catholic Bishops' Conference Of The Philippines
CBCP
TV Patrol
TV Patrol Top
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT