Higit 30 heinous crime convicts sumuko matapos ang ultimatum ni Duterte

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 30 heinous crime convicts sumuko matapos ang ultimatum ni Duterte

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Umabot na sa 33 ang opisyal na bilang ng mga sumukong bilanggo na unang napalaya sa ilalim ng good conduct time allowance (GCTA) sa pag-arangkada ng 15 araw palugit na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Dutere.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) spokesperson Capt. Sonny del Rosario, hanggang alas-2 ng hapon Biyernes ay 20 ang sumuko sa Cagayan, 9 ang sumuko sa Muntinlupa City, at tig-1 sa Pasay, Cebu, Laguna, at Ifugao.

Isa sa mga sumuko sa Rizal, Laguna nitong Biyernes ang 63 anyos na si alyas "Allan."

Ayon kay Allan, masaya na sana siyang makasama ang pamilya pero panandalian lang pala ito. Taong 1994 siya nakulong sa kasong murder at lumaya noon lamang Agosto 19.

ADVERTISEMENT

"Medyo nagdaramdam nang konti, nawalan ako ng pag-asa na makapiling ko ang pamilya ko, mga kapatid... Sa loob po ng 28 years na pagkabilanggo ni minsan hindi po ako nagka-record, sinikap ko po magpakabuti para makalaya," ayon kay Allan.

Nilinaw naman ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde na hindi pa nila sinisimulan ang pagtugis sa mga napalaya sa ilalim ng GCTA dahil hindi pa tapos ang 15 araw na palugit na ibinigay ni Duterte.

"After ng 15 days po 'yung mga iba't ibang tracker teams sa mga regions will go out after these fugitives," ani Albayalde.

Miyerkoles nang pasukuin ni Duterte ang mga lumayang heinous crime convicts kasabay ng pagsibak niya kay Nicanor Faeldon bilang BuCor chief.

Tinatayang aabot sa 1,914 heinous crime convicts ang nakalaya sa umano'y maling interpretasyon ng GCTA. Pumutok ang isyu nang maudlot ang dapat sana'y paglaya ni convicted rapist-killer Antonio Sanchez.


—Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.