Caloocan City tiniyak na protektado ang data ng mga residenteng gagamit ng 'q-band'
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Caloocan City tiniyak na protektado ang data ng mga residenteng gagamit ng 'q-band'
ABS-CBN News
Published Sep 12, 2020 01:30 PM PHT

MAYNILA - Tiniyak ng pamahalaang lungsod ng Caloocan na tanging ang command center lamang nila ang tatanggap ng mga impormasyong makukuha nila mula sa mga residenteng gagamit ng ipinatutupad na quarantine wristband.

“Ang lahat lamang po na nakakaalam ng data ay ang ating command center. Hindi po natin ibibigay ito sa public para maproteksiyunan rin naman ang ating kababayan,” pahayag ni Caloocan City Administrator Oliver Hernandez.

Sa ginanap na virtual Laging Handa press briefing, ipinaliwanag ni Hernandez na bibigyan lamang ng q-band ang mga residenteng sumailalim sa COVID-19 test at kailangang mag quarantine habang hinihintay ang resulta.

“Mamonitor natin closely ang whereabouts ng ating kababayan dahil ipinagbabawal na ang home quarantine dapat nasa facility sila at dapat hindi sila lalabas sa facility,” sabi ni Hernandez.

Hindi pwedeng tanggalin ang q-band hangga’t hindi lumalabas ang negative result ng swab test o habang nasa loob ng quarantine period.

“Ang mga tao po talaga nature nila katigasan ng ulo even the home qurantine na pinayagan dati pa, lumabas pa rin. To avoid contact sa mga hindi po kontaminado, minabuti po ni Mayor Oca [Malapitan] na mag-isip ng ibang paraan para closely mamonitor natin itong ating mga kababayan,” paliwanag ni Hernandez.

May QR code ang q-band na isa-scan kada 12 oras para ma-monitor sa command center kung nasaan ang tao.

Sakaling maipasa na ang pinaplantsang ordinansa, may multang P1,000 o 10 araw na pagkakakulong ang hindi makakapag-scan ng q-band sa tamang oras.

Ayon kay Hernandez, ang lungsod ay patuloy na gumagawa ng iba’t ibang paraan para mabawasan at mapigilan ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

“Kung ano man yung ating inintroduce na proseso sana po makiisa tayong lahat para sa dagliang paglutas sa problema sa COVID-19,” mungkahi nito.