Makati RTC di nag-isyu ng warrant of arrest laban kay Trillanes | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Makati RTC di nag-isyu ng warrant of arrest laban kay Trillanes

Makati RTC di nag-isyu ng warrant of arrest laban kay Trillanes

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 27, 2020 02:56 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hindi muna naglabas ng desisyon ang Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148 sa mosyon ng Department of Justice (DOJ) na ipaaresto si Senador Antonio Trillanes IV kaugnay sa kaniyang 2003 coup d’etat case na nais muling buhayin matapos ipawalangbisa ang kaniyang amnestiya.

Nitong Huwebes itinakda ang pagdinig sa mosyon para sa hiling na alias warrant of arrest at hold departure order (HDO) laban kay Trillanes. Pero ayon sa korte, umaga lang nila natanggap ang sagot ng prosekusyon.

Dahil dito, binigyan pa nila ng 10 araw ang kampo ni Trillanes upang magbigay ng supplemental reply sa ipinasang komento ng DOJ.

Mayroon ding limang araw ang DOJ para magbigay ng rejoinder reply sa magiging komento ni Trillanes.

ADVERTISEMENT

Dahil dito, 15 araw pa ang bibilangin para umusad ang mosyon ng DOJ.

Samantala, may nakabinbin pang mosyon ang DOJ sa Makati RTC Branch 150 na humahawak naman noon sa kasong rebelyon ni Trillanes. Nais din ng DOJ na maglabas ito ng alias arrest warrant at HDO laban kay Trillanes.

Martes nang maglabas ng resolusyon ang Supreme Court na hindi nila aaksiyonan ang hiling na temporary restraining order (TRO) laban sa Proclamation 572 na nagpapawalangbisa sa amnestiya ni Trillanes.

Isinapubliko ang Proclamation 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Septyembre 4. Ayon dito, walang bisa sa simula pa lamang ang amnestiya ni Trillanes dahil hindi nasunod ang mga tamang proseso sa pag-abruba nito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.