Utak umano sa likod ng payroll-padding sa Negros timbog

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Utak umano sa likod ng payroll-padding sa Negros timbog

ABS-CBN News

Clipboard

Isang dating vice mayor sa Negros Occidental at dalawa pang mga empleyado ng gobyerno-lokal ang inaresto dahil sa kaso umanong malversation of public funds, Biyernes ng hapon.

Kusa namang sumuko sa Toboso PNP ang isa pang akusado.

Nag-ugat ang kaso sa reklamong inilista raw ng complainant ang kanyang pangalan bilang job order personnel lingid sa kanyang kaalaman. Wala rin daw siyang tinatanggap na sweldo mula sa munsipyo.

Kinasuhan ang mga akusado sa salang paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

ADVERTISEMENT

Pansamantalang nakalaya ang ex-vice mayor matapos magbayad ng P72,000 na piyansa habang ang tatlong mga akusado ay nananatiling nakapiit sa PNP custodial facility. — Ulat ni Angelo Angolo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.