Pabahay program inilunsad sa Batasan Hills, Quezon City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pabahay program inilunsad sa Batasan Hills, Quezon City
Zyann Ambrosio,
ABS-CBN News
Published Sep 22, 2022 08:01 PM PHT

Inilunsad ngayong Huwebes sa Batasan Hills, Quezon City ang Pambansang Pabahay Program kasama si Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar at Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Kumpara noong mga nagdaang taon kung saan ang mga relocation site ay malayo sa lugar ng residente, "in-city" na ang bagong programa.

"Pareho kami ng utak ni Jerry. Alam nya hindi sustainable ang offsite relocation, sapagkat yung iba, binebenta lang naman yung mga rights doon. Tapos, babalik sa lungsod, tapos magsa-squat ulit. Yan ang mga nangyayari sa nakaraan. Nung sinabi ni Sec. Jerry yan, natuwa naman kami," ani Belmonte.

Sa Batasan Hills pa lang ay 14,000 na ang ipatatayong mga bahay, ayon kay Acuzar.
Sa Batasan Hills pa lang ay 14,000 na ang ipatatayong mga bahay, ayon kay Acuzar.
ADVERTISEMENT
Dagdag niya, Quezon City ang napili nilang lugar para sa pag-uumpisa ng proyekto dahil handa na ang lungsod.

Pero aminado siyang maraming pagsubok ang kanilang haharapin bago matapos ang programa sa 2028.

Magsisimula na rin ang groundbreaking ng pambansang pabahay program sa ibang lugar sa Visayas at sa Mindanao.

MULA SA ARCHIVE
Read More:
Tagalog news
Quezon City
pabahay program
Pambansang Pabahay Program
Department of Human Settlements and Urban Development
Joy Belmonte
bahay
housing
housing program
DHSUD
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT