3 factory employee kalaboso sa pagnanakaw umano ng mga bintana sa Valenzuela
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 factory employee kalaboso sa pagnanakaw umano ng mga bintana sa Valenzuela
ABS-CBN News
Published Sep 23, 2022 05:00 PM PHT

MAYNILA — Arestado ang tatlong factory employee matapos umanong nakawin ang halos P300,000 halaga ng sliding windows mula sa kanilang pinagtatrabahuhan sa Valenzuela City.

Nabuking sila matapos magduda ang isang katrabaho nang makitang naglalabas ng bintana ang isa sa suspek na wala palang pahintulot sa may-ari.

Sa follow-up operation ng pulisya, nadiskubre sa bahay ng isa sa suspek ang mga umano'y nakaw na bintana.

Hinala ng pulisya, matagal nang ginagawa ng grupo na pagnakawan ang kanilang kompanya dahil na rin sa tiwala sa kanila ng may-ari.

Maaaring may contact na rin umano ang grupo kung saan ibabagsak ang mga item.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga suspek at maging ang pamunuan ng pabrika.

Isinampa na sa pisikalya ang reklamong qualified theft laban sa 3 na walang kaakibat na piyansa.

— Ulat ni Raffy Santos, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT