Mga narekober na IED mula sa NPA, pinasabog sa Agusan del Norte

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga narekober na IED mula sa NPA, pinasabog sa Agusan del Norte

Richmond Hinayon,

ABS-CBN News

Clipboard

Ibinaon muna sa lupa na may lalim na 6 na talampakan ang mga improvised explosive device na narekober bago tuluyang pinasabog sa Barangay Alubihid sa Buenavista, Agusan del Norte. Richmond Hinayon, ABS-CBN News

BUENAVISTA, Agusan Del Norte – Pinasabog ng awtoridad ang mga improvised explosive device na karamihan ay narekober mula sa New People’s Army (NPA).

Pinangunahan ng Police Regional Office 13 Explosives Ordnance Division at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapasabog sa 526 pirasong IED, kasama na dito ang 10 piraso ng improvised claymore anti-personnel mines, 12 blasting caps/primary explosives at mga dinamita sa Barangay Alubihid sa bayan ng Buenavista.

Maingat munang ibinaon sa lupa na may lalim na 6 na talampakan ang IEDs para doon pasabugin.

Ang mga pinasabog na IED ay narekober ng Philippine National Police (PNP) at AFP mula 2018 hanggang 2019 sa area of operation ng 3rd Special Forces Battalion sa Sibagat, Prosperidad, Bayugan City sa Agusan Del Sur at sa Lianga, San Agustin, Marihatag, Cagwait at Bayabas sa Surigao Del Sur.

ADVERTISEMENT

Bukod sa galing sa NPA, ang ilan sa mga IED ay mga naiturn-over ng mga pulis at sibilyan.

Base umano sa mga dating rebelde na nagturo kung saan nakatago ang mga IEDs, nilalagyan ng mga steel round bars at 6-inch nails ang mga ito para lumakas ang pagsabog at magkaroon ng casualty.

Ayon sa AFP, malinaw na paglabag ito sa International Humanitarian Law kung saan ipinagbabawal ang ganitong klaseng mga pampasabog na gamitin sa giyera.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.