PNP planong bumuo ng 'search bloc' laban sa droga | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PNP planong bumuo ng 'search bloc' laban sa droga

Maan Macapagal,
ABS-CBN News
Published Sep 26, 2016 02:33 PM PHT

MANILA - Pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang pagbuo sa isang "search bloc" na tututok sa mga sindikato ng iligal na droga, tulad ng ginawa sa Colombia.

"Kayong mga drug lords, maglayas na kayo. Gagawa ako ng mas matindi pa sa search bloc ng Colombia," ani PNP chief Director General Ronald Dela Rosa.

Tumanggi naman si Dela Rosa na magbigay ng karagdagang detalye ukol sa specialized group.

Sa Colombia, tinawag na "search bloc" ang special operations unit na binuo ng pulisya noong 1992, sa kasagsagan ng kanilang kampanya para mahuli ang mga drug lord at mawasak ang mga drug cartel.

Kabilang sa mga tagumpay ng search bloc sa pagpapabagsak sa Medellin at Cali cartels ng noo'y Colombian drug lord na si Pablo Escobar.

Noong nakaraang linggo, bumisita si Dela Rosa sa Columbia para pag-aralan ang pagsupil nito sa international drug trafficking.

Iginiit ng PNP chief na kung nabigo man ang Colombia sa kanilang "war on drugs," maaari pa ring tularan ng Pilipinas ang "best practices" nito na sasabayan ng legislative interventions.

Kabilang sa mga sinisilip na intervention ni Dela Rosa ang pagrekomenda sa legalisasyon ng wiretapping sa mga drug suspect at pagkumpiska ng mga ari-arian ng mga napatunayang drug lords.

Hihimukin niya si Duterte na pirmahan agad ang mga nakabinbing panukala para sa mga naturang hakbang.