Mga tsuper kailangan munang magpaskil ng fare matrix bago magtaas ng pasahe | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga tsuper kailangan munang magpaskil ng fare matrix bago magtaas ng pasahe

Mga tsuper kailangan munang magpaskil ng fare matrix bago magtaas ng pasahe

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 02, 2022 07:13 PM PHT

Clipboard

Jeep na puno ng mga pasahero sa EDSA, Pasay City noong Setyembre 14, 2022. George Calvelo, ABS-CBN News/File
Jeep na puno ng mga pasahero sa EDSA, Pasay City noong Setyembre 14, 2022. George Calvelo, ABS-CBN News/File

Natanggap na ng jeepney driver na si Bronel Kalingacion ang bago niyang fare matrix, kaya sabik na siyang makabiyahe sa Lunes.

"Para madagdagan 'yong pasahe, para makabawi naman kami sa taas ng diesel," ani Kalingacion sa panayam ng ABS-CBN News.

Simula Lunes, tataasan nang P1 ang minimum na pasahe sa mga jeep. Ibig sabihin, P12 na ang minimum na pasahe sa traditional jeep habang P14 naman sa modern.

Ayon kay Transport Secretary Jaime Bautista, kailangan munang magpaskil ng mga tsuper ng bagong fare hike sa loob ng kanilang mga saskayan bago payagang magpatupad ng dagdag-singil sa pasahe.

ADVERTISEMENT

Hindi gaya ni Kalingacion, wala pang nakukuhang fare matrix mula sa kaniyang operator si Edwin Abero.

"'Pag siningil mo... wala ka pang fare matrix, baka i-report ka," ani Abero.

Aniya, katumbas ng pagkakaroon ng fare matrix ang pagtaas din ng kanilang boundary.

"'Pag may fare matrix, dagdag sa boundary 'yan eh... Halimbawa P1, magdadagdag ng P50. Malaking bagay P50... pang-ulam na 'yan eh," paliwanag niya.

Watch more News on iWantTFC

Masaya naman ang tsuper na si Roberto Ramirez sa taas-pasahe, na aniya'y makakadagdag sa pambili ng mga pangangailangan ng kaniyang 3 buwang gulang na anak.

ADVERTISEMENT

"Sa loob ng isang linggo, bibili ako ng diaper, gatas," ani Roberto.

Sang-ayon naman ang kapatid ni Roberto na si Christopher sa pagkakaroon ng fare matrix, lalo't may mga pasaherong nagdududa sa singil ng mga tsuper.

"Para hindi na sila magtanong kasi hahanapan din kami [ng] ibang pasahero," aniya.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, puwedeng panagutin ang mga driver at operator na maniningil nang may taas-presyo pero walang fare matrix.

— Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.