3 lalaking 'nanlaban' sa pulis, patay sa Cagayan de Oro

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 lalaking 'nanlaban' sa pulis, patay sa Cagayan de Oro

Rod Bolivar,

ABS-CBN News

Clipboard

CAGAYAN DE ORO CITY - Patay ang tatlong lalaki matapos umanong manlaban sa mga pulis na maghahain sana ng warrant of arrest sa isang residente sa isang subdivision sa Barangay Lumbia, Cagayan de Oro City Huwebes ng gabi.

Target ng warrant of arrest ang isang Marvin Fajardo na may kasong direct assault.

Taong 2013 pa nang ilabas ng Fourth Judicial Region Municipal Circuit Trial Court ng Tanauan City, Batangas ang nasabing warrant.

Isinagawa ang operasyon nang malaman ng pulisya na ilang buwan nang nakatira sa lungsod si Fajardo.

ADVERTISEMENT

Ngunit nang ihain na ang warrant, nagpaputok ng baril si Fajardo at dalawa pang kasamahang lalaki.

Gumanti ang mga pulis at nagtamo ng tama ng bala ang mga suspek.

Isinugod sila sa ospital pero binawian rin ng buhay.

Ayon sa awtoridad, si Fajardo umano ang leader ng "Fajardo Criminal Group" na sangkot sa iba't ibang ilegal na gawain sa Batangas City, Laguna at National Capital Region.

Kabilang rin umano si Fajardo sa listahan ng mga high-value target ng Police Regional Office 4A at sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang kasama ni Fajardo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.