ABISO: Landline numbers dadagdagan ng 'prefix' simula Oktubre 6 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ABISO: Landline numbers dadagdagan ng 'prefix' simula Oktubre 6

ABS-CBN News
Published Oct 04, 2019 04:27 PM PHT

MAYNILA — Pagsapit ng Oktubre 6, Linggo, ay epektibo na ang migration sa 8-digit mula sa 7-digit ng lahat ng landline numbers sa bansa, alinsunod sa direktiba ng National Telecommunications Commission (NTC).

Sa ilalim ng NTC Memorandum Order No. 10-10-2017, bawat telco ay binigyan ng "identifier" bilang prefix sa lahat ng landline numbers.

Ginawa umano ito para sa dumaraming landline users partikular na ng mga higanteng telco gaya ng Globe Telecom and PLDT Inc.

Bagong prefix
Para sa mga kostumer ng Globe, numerong "7" ang itinalaga sa kanila habang "3" naman sa kanilang subsidiary na Bayan Telecommunications.

Halimbawa, ang dating numerong "(02) 210-XXXX" ay makokontak na sa "(02) 7210-XXXX."

Samantala, numerong "8" naman ang prefix para sa mga kostumer ng PLDT Inc.

Halimbawa, ang dating numerong "(02) 535889" ay matatawagan na lang sa "(02) 8535889."

Pagsapit ng Oktubre 6, hindi na umano makokontak ang mga numero kung hindi idadagdag ang angkop na prefix.

Sabi ng mga telco, maaaring makaranas ng 5 oras na downtime habang umaarangkada ang migration sa Oktubre 6.