Opisyal ng Biñan, patay sa pananambang saktong 3 taon matapos makaligtas sa ambush

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Opisyal ng Biñan, patay sa pananambang saktong 3 taon matapos makaligtas sa ambush

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 05, 2020 08:08 PM PHT

Clipboard

MAYNILA (UPDATE) - Patay ang kalihim ng Sangguniang Panlungsod ng Biñan City, Laguna at isang doktor sa pananambang sa Barangay San Antonio, Biñan City Linggo ng gabi.

Ayon sa hepe ng Biñan City Police na si Lt. Col. Giovanni Martinez, pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang gunman ang kotseng sinasakyan ng city council secretary na si Edward Reyes at ni Dr. Don Deocaris bandang alas-7:30 ng gabi.

Hinarang ang sasakyan sa tapat ng isang mall sa Jubilation Road.

Hindi na umabot nang buhay ang mga biktima sa University of Perpetual Help Hospital.

ADVERTISEMENT

Hindi pa batid ang pagkakakilanlan at motibo ng mga suspek sa pananambang.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon sa ulat ng pulisya, inginuso kamakailan si Reyes ng naarestong si Ricky Sison Ayub bilang mastermind umano ng serye ng pagpatay sa mga pulis at lokal na opisyal sa Biñan.

Noong Oktubre 4, 2017, eksaktong 3 taon bago siya napatay, nakaligtas si Reyes kasama ang 3 bodyguard sa pananambang sa sasakyan niya.

Ilang araw pagkatapos noon, namatay sa pamamaril ang isang empleyado ng city hall na dating security staff ni Reyes.

Pinsan si Reyes ng kasalukuyang kinatawan ng Biñan City na si Rep. Len Alonte-Naguiat at ni Biñan City Vice Mayor Gel Alonte. Anak naman niya si Konsehal Dada Reyes.

--May ulat nina Dennis Datu at Jeffrey Hernaez

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.