Estudyante, arestado nang makuhanan ng marijuana

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Estudyante, arestado nang makuhanan ng marijuana

Justin Aguilar,

ABS-CBN News

Clipboard

BAGUIO CITY - Arestado ang isang 18 taong gulang na estudyante matapos mahulihan ng kontrabando sa Baguio City Jail Biyernes ng hapon.

Nakasiksik sa kaniyang shorts ang isang sachet ng marijuana at isang plastic paraphernalia na nakita sa body search ng bilangguan.

Bibisitahin lang umano sana ni alias "Robert" ang kaniyang pinsan na si Jerold Yango na nakulong noong nakaraang taon dahil sa ilegal na droga.

Ayon kay Yango, dalawang beses sa isang buwan kung bisitahin siya ni Robert.

ADVERTISEMENT

"Nagulat din ako hindi ko kwan, wala akong kwan doon sa nangyari," aniya

Hindi muna papayagang mabisita si Yango sa loob ng isang buwan.

Haharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Robert.

Mahigpit ang pagbabantay ng Baguio City Jail tuwing araw ng pagbisita. Bukod sa body search, masusi rin nilang binubusisi ang mga dalang pagkain ng mga bisita para matiyak na walang makalulusot na kontrabando.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.