2 timbog sa umano'y panghoholdap sa QC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 timbog sa umano'y panghoholdap sa QC
2 timbog sa umano'y panghoholdap sa QC
Jeff Caparas,
ABS-CBN News
Published Oct 05, 2022 03:53 PM PHT
|
Updated Oct 05, 2022 04:58 PM PHT

Arestado nitong Martes sa Commonwealth, Quezon City ang dalawang tao matapos umanong mangholdap dahil nabitin sa inuman.

Bandang alas-3 ng madaling araw nang holdapin ng mga suspek ang biktimang si alyas "Aldrin," na noo'y naglalakad pauwi galing sa kaniyang trabaho, sabi ng pulisya.

Sakay ng motorsiklo ang mga suspek, at bumaba ang isa sa kanila na siyang nanutok umano ng patalim kay "Aldrin" sabay hablot ng noo'y ginagamit niyang cellphone.

Sa takot, hindi na umano pumalag ang biktima pero agad siyang tumakbo para magsumbong sa mga tanod sa lugar, na humabol naman sa mga suspek.

Hindi nakatas ang mga suspek matapos magkaproblema ang sinasakyang motor.

"Buti naabutan kasi hindi umandar 'yong motor ng mga suspek. So napag-alaman din na medyo nakainom itong mga suspek," ani Lt. Col. Morgan Aguilar, commander ng Quezon City Police District (QCPD) Station 6.

Narekober sa mga suspek ang ninakaw na cellphone at ginamit na patalim.

Nang dalhin sa istasyon ng pulis, napag-alamang mga bingi ang suspek kaya't kinailangan pang kumuha ng interpreter ng pulisya para sa imbestigasyon.

"Nagulat kami na 'yong dalawa, parehas na deaf... So nahirapan 'yong mga imbestigador natin," ani Aguilar.
"Nagulat kami na 'yong dalawa, parehas na deaf... So nahirapan 'yong mga imbestigador natin," ani Aguilar.
ADVERTISEMENT
Ayon sa pulisya, wala silang nakitang ano mang rekord ng mga suspek sa kanila at sa barangay.

Sa salaysay ng mga suspek sa pamamagitan ng interpreter, sinabi nilang nagawa nila ang krimen dahil nabitin sila sa inuman.

Kasong robbery ang kakaharapin ng mga suspek na nasa kustodiya ngayon ng QCPD.