Cobra, Black Hawk helicopters idineploy sa Mindoro | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Cobra, Black Hawk helicopters idineploy sa Mindoro

Cobra, Black Hawk helicopters idineploy sa Mindoro

Noel Alamar,

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 06, 2022 12:22 PM PHT

Clipboard

Dumating na sa Oriental Mindoro ang dalawa sa pinakabagong sasakyang panghimpapawid ng Philippine Air Force, ang AH-1S COBRA attack helicopter at ang S70i Black Hawk helicopter.

Sa unang pagkakataon ay lumapag at nagsagawa ng operasyon ang COBRA attack helicopter kasama ang S70i Black Hawk helicopter sa area na sakop ng 203rd Bantay Kapayapaan Brigade.

Nagsagawa ng aerial reconnaissance ang mga nasabing sasakyang panghimpapawid upang tukuyin ang mga pinagkukutaan ng mga teroristang NPA at magiging aerial support ng mga undalo sa ginagawang operasyon.

Ang COBRA attack helicopter ay may dalang malalaking kalibreng baril at rockets upang tumulong sa pagsugpo sa insurhensya at terorismo sa Mindoro.

ADVERTISEMENT

Samantala, ang S70i Black Hawk helicopter ay gagamitin sa mabilis na pagpasok ng tropa sa area para sa operasyong tugisin ang mga teroristang NPA na nananamantala sa lugar.

Nagpasalamat si Brig Gen Jose Augusto Villareal, pinuno ng 203 Brigade, sa pamahalaaan sa pagpapadala ng mga makabagong kagamitan na makakatulong sa operasyon ng mga sundalo sapagkat mabilis na mararating ng mga ito ang mga malalayong lugar upang makapagbigay nang mabilis na aksyon sa mga tugon ng mamamayan.

Nanawagan si Villareal sa mga natitirang kasapi ng teroristang CPP-NPA na sumuko na sa gobyerno upang makasama na nila ang kanilanh pamilya.

Handa aniya ang sundalo na tumulong sa mga nagnanais bumalik sa gobyerno at matamasa ang mapayapang buhay kasama ang pamilya, ngunit sa mga kasapi ng mga teroristang grupo na ayaw sumuko ay handa ang AFP na gamitin ang lahat ng mga makabagong kagamitan upang tuluyan ng mauubos ang hanay ng mga nananamantala sa Mindoro.

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.