SAPUL SA DASH CAM: Snatcher nambiktima ng pasahero ng jeep sa QC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SAPUL SA DASH CAM: Snatcher nambiktima ng pasahero ng jeep sa QC

ABS-CBN News
Published Oct 08, 2018 08:27 PM PHT

Tinutugis na ng Quezon City police ang mga lalaking nakuhanan ng video kamakailan na nang-snatch mula sa pasahero ng isang jeep sa Quezon Avenue.

Sa kuha ng dash cam video ni Simon Ubalde, mapapanood na inaabangan ng tatlong lalaki ang isang paparating na jeep sa may Quezon Avenue habang mabagal ang daloy ng trapiko.

Tumalon ang isa sa mga lalaki at may hinablot sa isa sa mga pasahero saka mabilis na tumakbo patakas, base sa kuha ng video.

Sa pag-iikot ng mga pulis nitong Lunes sa Timog Avenue at Quezon Avenue, nakausap nila ang dalawang barker na tumukoy sa mga suspek bilang "solvent boys."

Iginiit naman ng Quezon City police na pinaigting na nila ang police visibility sa lugar para matiyempuhan at mahuli ang mga snatcher. --Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News