Pami-pamilya ng mga politiko, naghain ng COC sa Cavite | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pami-pamilya ng mga politiko, naghain ng COC sa Cavite
ABS-CBN News
Published Oct 08, 2021 02:02 PM PHT

MAYNILA— Sa huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy para sa halalan sa susunod na taon, pami-pamilya ng mga politiko ang humabol para sa pagkakataong tumakbo sa Cavite.

Sa General Trias City, tatangkain ng magkapatid na Mayor Ony Ferrer at Rep. Jon-jon Ferrer na magpalitan ng puwesto.

“Iba kasi ‘pag magkasangga, magkakampi. Hindi nagkokontrahan ang congressman at saka ang mayor. So, nagja-jibe kasi, nagko-compensate kung ano ‘yung hindi kaya lokal, susuportahan ng nasyonal. Kung ano ‘yung hindi naman sakop ng nasyonal, ang lokal naman ang gumaganap,” saad ni Rep. Ferrer.

Sa Silang, susubukan namang bumalik sa munisipyo ni dating Mayor Omil Poblete para palitan si incumbent Mayor Corie Poblete.
Dumating din si Cavite Gov. Jonvic Remulla para magpahayag ng suporta.

Makakalaban ni Poblete si Cavite 5th district board member Kevin Anarna, miyembro ng Aegis Juris Fraternity na nasangkot sa coverup umano sa pagkamatay ng hazing victim na si Atio Castillo noong 2017.

“Ang grupo naman po ay handang-handa sa laban na ito. Kami ay confident enough pero kailangan pa rin natin pagtrabahuhan ito at talagang laban lang hanggang sa dulo,” saad ni Poblete.

Nauna nang naghain ng certificate of candidacy para tumakbong kongresista sa unang distrito ng Cavite si incumbent Vice Governor Jolo Revilla.

Orihinal na nakatira si Revilla sa Bacoor City, ang ikalawang distrito ng Cavite, pero lumipat na umano siya noong nakaraang taon sa Rosario na bahagi ng unang distrito.

“Matagal na po tayong nakatira sa Rosario, Cavite," ani Revilla.
“Matagal na po tayong nakatira sa Rosario, Cavite," ani Revilla.
ADVERTISEMENT
Dagdag niya: "More than a year ago nakalipat na po tayo dito po sa unang distrito."

Magpapalitan din ng posisyon sina Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla at bayaw na si Cavite 2nd district Rep. Strike Revilla.

“Nu’ng nagkatapat-tapat at nagtulong-tulong ang kongresista, alkalde, tapos may senator pa kami—Bong Revilla—nakita po natin ‘yung husay, ‘yung naging asenso ng amin pong lungsod,” saad ni Mercado-Revilla.

Samantala, tatakbo rin ang magkakapatid na Chua ng Cavite. Nais ma-reelect ni Noveleta Mayor Dino Chua, pagka-alkalde ang sisikapin ni Cavite City Mayor Denver Chua, at susubukan ding ma-reelect ni Cavite 1st district board member Davey Chua.

— Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News
KAUGNAY NA VIDEO:
Read More:
COC
certificate of candidacy
Cavite
Cavite City
Bacoor
Noveleta
Silang
Halalan 2022
Cavite politics
Revilla
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT