DENR, naglabas ng bagong geohazard map ng Itogon
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DENR, naglabas ng bagong geohazard map ng Itogon
ABS-CBN News
Published Oct 10, 2018 01:24 AM PHT

Naglabas ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng bagong geohazard map sa Itogon, Benguet.

Ginawa ito matapos ang mga pagguho ng lupa nitong Setyembre na kumitil nang maraming buhay sa lugar.

Dati pula ang kulay ng mga pinakadelikadong lugar sa Itogon. Pero ngayon, may mga kulay brown na. Ibig sabihin, "very highly susceptible" na sa landslide ang mga lugar na ito.

Kabilang na rito ang Barangay Ucab kung saan higit 60 ang namatay dahil sa landslide matapos manalasa ang bagyong Ompong.

Ayon sa mga eksperto, kaunting ulan lang, maaari nang magdulot ng landslide, dahil na rin sa mga nadiskubreng butas sa ilalim ng lupa.

"Sabi po ng mga expert natin kahit 100mm to 200mm of rainfall lang po, it may cause landslides already," ani Joselin Marcus Fragada, DENR Assistant Secretary for Field Operations of Luzon.

Pag-aaralan din ng DENR kung paano ire-regulate ang bilihan ng mga materyales na ginagamit sa smalll-scale mining, tulad ng dinamita at cyanide.

Pinutol na rin ng Benguet Electric Cooperative o BENECO ang mga ilegal na linya ng kuryente sa lugar na ginagamit ng mga minero para sa ball mill na siyang gumigiling sa nakukuhang mineral ore.

"Alam naman natin na kung walang kuryente, it’s very very difficult to grind these ore. Hindi naman puwede na didikdikin mo na parang palay na ganiyan. Matigas 'yun. 'Pag na-disable 'yung ano… kahit andun 'yung ball mills… kung walang kuryente to run these ball mills, wala rin," ani Ralph Pablo, DENR Director for Cordillera. - ulat ni Michelle Soriano, ABS-CBN News

Read More:
Regional news
Tagalog news
Department of Environment and Natural Resources
DENR
geohazard map
Itogon
Benguet
landslide
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT