Drayber, patay sa aksidente sa Ilocos Norte
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Drayber, patay sa aksidente sa Ilocos Norte
Kim Lorenzo,
ABS-CBN News
Published Oct 12, 2017 03:15 AM PHT
|
Updated Oct 12, 2017 06:53 AM PHT

ILOCOS NORTE- Patay ang isang drayber matapos maaksidente ang minamanehong van sa Ilocos Norte-Abra Road sa Barangay Mabini, Banna, Ilocos Norte hapon noong Martes.

Kinilala ang biktima na si Freddie Redoquerio, 39 taong gulang.

Ayon sa imbestigasyon, pauwi na ang biktima galing sa lungsod ng Vigan nang araruhin ng van ang mga puno sa gilid ng kalsada matapos umanong nakatulog si Redoquerio.

“Possible na nakatulog siya kasi nag-long drive siya hinatid niya ang boss niya sa Vigan City at balikan lang siya. Mabilis pa raw ang takbo nito at madulas pa ang daan dahil malakas ang ulan,” ani ni PO3 Ashley Cacayorin ng Marcos, Ilocos Norte Police.

Nahirapan pang alisin ang biktima matapos maipit sa loob ng sasakyan.

“Naipit siya sa loob dahil totally wrecked 'yung van," dagdag pa ni Cacayorin.

Nagtamo ng sugat sa ulo at katawan ang biktima.

Magbibigay ng tulong ang boss ng biktima at may-ari ng van sa pamilya nito.