6 sako ng ‘hot meat’ kumpiskado sa checkpoint sa Abra
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
6 sako ng ‘hot meat’ kumpiskado sa checkpoint sa Abra
ABS-CBN News
Published Oct 12, 2019 05:04 PM PHT
|
Updated Oct 12, 2019 05:09 PM PHT

SAN QUINTIN, Abra—Sako-sako ng "hot meat" o mga karneng mula sa hindi awtorisadong katayan ang nakumpiska ng mga awtoridad sa checkpoint ng bayang ito Sabado.

Naharang ng pulisya ang bus na bumabaybay sa Barangay Tangadan, San Quintin, at doon tumambad sa mga awtoridad ang 6 na sako ng atay ng baboy.

Pag-aari umano ang karne ng isang 43-anyos na negosyante mula sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.

Nanggaling daw sa San Fernando, La Union, ang mga atay at dadalhin sana sa Bangued, Abra.
Nanggaling daw sa San Fernando, La Union, ang mga atay at dadalhin sana sa Bangued, Abra.
ADVERTISEMENT
Ayon sa National Meat Inspection Service sa Cordillera, walang kaukulang papeles ang ibinyaheng mga karne.

Bukod pa rito, mayroon nang inilabas na ordinansa ang Abra na pinagbabawalan ang pagpasok ng karneng baboy mula sa ibang lugar bunsod ng banta ng African swine fever.

—Ulat ni Michelle Soriano, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT