Half-face helmet, tinitingnan vs riding-in-tandem
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Half-face helmet, tinitingnan vs riding-in-tandem
ABS-CBN News
Published Oct 13, 2017 09:25 PM PHT

Inirekomenda ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang pagsusuot ng half-face helmet ng mga motoristang gumagamit ng mas maliliit na motorsiklo.

Kabilang ito sa mas pinaigting na kampanya nila laban sa mga riding-in-tandem, lalo't "hands off" na ang PNP sa war on drugs.

Nitong mga nakaraang linggo, sunod-sunod ang mga insidente ng pamamaril sa Metro Manila sangkot ang mga riding-in-tandem at aminado ang pulisya na hirap silang matukoy ang mga salarin dahil nakasuot ng helmet at bonnet ang karamihan.

Kaya para sa HPG, malaki ang maitutulong ng half-face helmet para mas madaling makita ang mukha ng mga suspek na karaniwan ding gumagamit ng mga maliliit na motor.

Sa kanilang rekomendasyon, tanging mga motoristang gumagamit ng motorsiklong mas mataas sa 400cc lang ang puwedeng magsuot ng full-face helmet.

Tinutulan naman ng grupong Motorcycle Philippines Federation ang panukala dahil hindi anila tamang isakripisyo ang kaligtasan ng mga motorista para sa seguridad.

Paliwanag ng grupo, karaniwang mga baguhang rider ang gumagamit ng maliliit na motor kaya mas kailangan nila na naka-full-face helmet para matiyak ang kanilang kaligtasan.

Kinuwestiyon din ang posibilidad na baka malalaking motorsiklo na ang gamitin ng mga kriminal.

Pero paliwanag ng HPG, mahihirapan ang mga kriminal na gumamit ng malalaking motorsiklo na nasa 400cc dahil mahirap na itong i-maneuver sa mga eskinita.

Para sa Motorcycle Philippines Federation, mas mabuting pag-igihan na lamang ng mga pulis ang pagkontrol sa loose firearms at pagpapaigting ng mga checkpoint.

Bukod sa pagsuot ng half-face helmet, suportado rin ng HPG ang panukalang paglalagay ng license plate sa harap at likod ng motorsiklo para mas madaling makilala ang may-ari nito.

-- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News
Read More:
TV Patrol
Bianca Dava
riding-in-tandem
balita
helmet
PNP-HPG
krimen
Tagalog news
PatrolPH
half-face helmet
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT