4 na bahay nasira sa Tanza, Cavite dahil sa bagyong Maring
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
4 na bahay nasira sa Tanza, Cavite dahil sa bagyong Maring
ABS-CBN News
Published Oct 13, 2021 10:52 AM PHT

MAYNILA - Gumuho ang mga sementadong pader at kinain ng lupa ang sahig ng apat na bahay sa tabi ng dagat sa Sitio Pook, Barangay Calibuyo sa bayan ng Tanza sa Cavite dahil sa malakas na alon at hanging may kasamang pagbugso ng ulan na dala ng bagyong Maring.

Apat na pamilya o katumbas na 24 na indibidwal ang apektado sa mga nasirang bahay, ayon sa Tanza local government unit.

Sa kanilang mga kamag-anak muna piniling makituloy ng mga residenteng nasiraan ng bahay bagamat may ininhanda namang evacuation center.

Dalawang binatilyo naman ang naiulat na namatay sa Dasmariñas matapos malunod sa ilog. Nasa edad na 11 at 13 ang mga bata.

Sa impormasyon ng Philippine Coast Guard sa Cavite, naligo kasama ng mga kaibigan ang mga bata pero naanod sa malalim ng bahagi ng ilog.

- TeleRadyo 13 Oktubre 2021
- TeleRadyo 13 Oktubre 2021
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT