‘Mabilis po yung pag-akyat ng tubig’: Biktimang nabaha sa La Union, nagkuwento ng karanasan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Mabilis po yung pag-akyat ng tubig’: Biktimang nabaha sa La Union, nagkuwento ng karanasan

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA – Ikinuwento ng isang biktima ng pagbabaha sa La Union ang naranasan ng kanilang pamilya sa pananalasa ng bagyong Maring.

Kuwento ni Mary Joy Macaraeg, mabilis ang naging pagtaas ng tubig sa kanilang lugar.

“Mabilis po yung pa-akyat ng tubig. Biglaan na lang po yung pag-akyat ng tubig, kaya kinakabahan na po kaming lahat noon.”

“Kasi mabilis po talaga yung pag-akyat ng tubig biglaan lang siya, wala pong abiso na ganoon yung mangyayari po,” sabi niya sa isang panayam sa TeleRadyo.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa niya, lumangoy sa lagpas-taong tubig baha ang kanyang ama para mailigtas ang iba nilang kamag-anak sa malapit na bahay.

“Nung tumaas na po yung baha, sumisigaw po yung papa ko sa kabilang bahay po, kasi yung mga auntie naming at mga pamangkin namin, tumataas na po yung baha doon e hindi niya na po matawag kaya linangoy po ni papa yun kahit hanggang lagpas tao na po yung baha.”

Ani Macaraeg, sinagip ng kanyang ama ang kanyang mga tiyahin at pamangkin at inihatid sa kanilang bahay para mailigtas sila.

Nang tanungin kung nagbigay ng abiso ang lokal na pamahalaan para sa preemptive evacuation, sinabi ni Macaraeg, “Gabi po kasi Sir, wala po kaming kuryente so kung meron man po hindi na po namin siguro alam kung anong nangyayari kasi wala na po talaga kaming mga cellphone ganoon na po, lowbat na po yung mga kwan namin, gadgets namin.”

“Sobrang lakas po talaga ng hangin at ulan po kaya wala na po talaga. Nasa loob na lang kami,” aniya.

ADVERTISEMENT

Nailigtas kalaunan si Macaraeg at ang kanyang pamilya, sa tulong na rin ng kanilang mga larawang nai-post nila sa social media bago sila tuluyang nawalan ng internet.

Nasama ang kanilang panawagan sa isang online spreadsheet na ginawa ng mga concerned netizens para makatulong sa mga rescuers na mabantayan ang kalagayan ng mga nangangailangan ng tulong.

“Nirescue po kami ng rescue team po, sinakay po kami sa rubber boat po,” kuwento ni Macaraeg.

“Kasi nagkalat po sa social media yung mga post namin na talagang kailangang kailangan na naming, kasi tumataas na po yung baha baka ‘pag tumaas pa lalo dito sa second floor po namin hindi na po kami makalikas eh may mga bata tsaka may senior citizen po kami na kasama, na hindi po siya nakakalakad.”

Nananawagan ngayon si Macaraeg ng tulong, lalo na ng damit at pagkain, dahil wala silang naisalba.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.