Imee Marcos: P26-B ayuda para sa matatanda mahirap hanapan ng pondo

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Imee Marcos: P26-B ayuda para sa matatanda mahirap hanapan ng pondo

Robert Mano,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA—Hindi kakayanin na maibigay ng gobyerno sa lahat ng mahihirap na senior citizens sa isang bagsakan ang dagdag P500 na buwanang ayuda, ayon kay Sen. Imee Marcos nitong Huwebes.

Matatandaan na nag-lapse into law noong Hulyo 30 ang Republic Act 11916 na nagdadagdag ng P500 na social pension sa mga senior citizens na mahihirap.

Mula P500 ay magiging P1,000 ang buwanang social pension ng nasa apat na milyong senior citizens na mahihirap.

Sa pagdinig ng budget ng National Commission of Senior Citizens, pinansin ni Sen. Risa Hontiveros na sa National Expenditure Program ang budget ng social pension ng mga senior citizen ay nanatili sa P25.4 billion na kahalintulad ng pondo ngayong taon.

ADVERTISEMENT

Ibig sabihin, ang halaga anyang ito ay hindi pa sumasalamin sa pagdagdag ng monthly stipend sa P1,000 kaya lumalabas din na kulang ng P26 billion ang pondo.

Tanong ni Hontiveros, kung nakipag-usap na ba ang NCSC sa Department of Budget and Management at Department of Social Welfare and Development hinggil dito.

Tugon ni NCSC chairperson Franklin Quijano, nakausap na niya ang DBM hinggil dito.

"They said NEP did not really reflect that because the law was passed in July and they were required to submit NEP in may. They were saying we will just pray that Congress will take note of this and give the corresponding additional P26 billion on top of the P25 billion plus so that the number will be fulfilled for the 1,000 or indigent senior citizens," aniya.

Sabi naman ni Marcos na siyang nanguna sa pagdinig, hirap silang punuan ang dagdag P26 billion.

ADVERTISEMENT

"We cannot possibly give everyone at the same time. Ang ginagawa namin mga senador naghahanap kami ng pondo, sinisimot-simot sa ibang department kung saan makahanap. Imposible naman yang P26 billion na isang bagsakan ... 'Wag magpupumilit na 4 milyon agad kasi hindi mangayayari yun," aniya.

Suhestyon ni Marcos, sa 4 milyong senior citizen mas makabubuti na unahin dito ang mga bedridden at pinakahikahos sa buhay. Pwede umano na "by phase" muna ang gawin para kahit papaano ay may maibigay na sa mga senior citizen.

Sabi naman ni Quijano, makikipagpulong sila sa DSWD at Philippine Statistics Authority para makakuha ng datos at impormasyon hinggil sa mga senior citizens na dapat unahin.

Hiniling din ni Quijano na ibalik ang pondo sa kanilang senior citizens rights and welfare development program na nagkaka P39.727 million Aniya, inalis ang pondo sa kanila dahil hindi nagamit ang pondo.

Ang problema kasi umano dahil bagong ahensya lang sila, wala pa silang bids and awards committee.

ADVERTISEMENT

Pero sa susunod na toan, mataas na aniya ang demand sa kanilang tanggapan kaya kailangan maibalik na ang pondo sa kanila.

Sa huli ay lumusot sa committee level ang pondo ng NSCS.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.