Lalaki sinakmal umano ng buwaya sa Palawan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki sinakmal umano ng buwaya sa Palawan

ABS-CBN News

Clipboard

Sugatan si Jomarie Diaz, 26, matapos sakmalin umano ng buwaya ngayong Miyerkoles sa Balabac, Palawan. Courtesy of PNP Maritime - 2nd Special Operation Unit


Isang 26 anyos na lalaki ang sinakmal umano ng buwaya sa Balabac, Palawan umaga ng Miyerkoles, ayon sa pulisya.

Kinilala ang biktima na si Jomarie "Awal" Diaz na dinala sa Balabac Rural Health Unit pasado alas-10 ng umaga upang patawan ng paunang lunas.

Nagtamo ng mga sugat sa kaliwang hita at kamay si Diaz.

Sugatan ang kamay ni Jomarie Diaz, 26, matapos sakmalin umano ng buwaya ngayong Miyerkoles sa Balabac, Palawan. Courtesy of PNP Maritime - 2nd Special Operation Unit

Base sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Maritime Special Operation Unit, bago na-rescue si Diaz ay nakita ito sa nipaan sa Barangay 6 sa naturang bayan.

ADVERTISEMENT

Ayon sa kapitan ng barangay, mataas daw kasi ang tubig kaya maaring nangunguha ng kamaron o hipon si Diaz.

Pero hindi naman daw kaila sa mga residente na ang lugar ay pinamamahayan rin ng buwaya o saltwater crocodile.

“May nilagay na rin po doon na poster ang PCSD (Palawan Council for Sustainable Staff). At kapag may assembly po kami ay paulit-ulit na lang 'yan na babala po sa kanila na mag-ingat. Pero may iba po kasi na parang nasanay na lang na pumupunta pa rin sa dagat. Kapag nakita naman namin, sinisita, lalo na yung mga bata,” ani Rosenah Ami, Kapitan ng Barangay 6.

Hinihintay pa rin ang magiging desisyon ng local government unit ng Balacbac para maisakatuparan na ang pagdedeklarang crocodile sanctuary sa ilang lugar na may mga sighting ng buwaya.

- Ulat ni Rex Ruta

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.