Villar isiniwalat ang umano’y 'desilting modus' ng ilang contractor
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Villar isiniwalat ang umano’y 'desilting modus' ng ilang contractor
Johnson Manabat,
ABS-CBN News
Published Oct 21, 2021 05:28 PM PHT

Mismong kay Senator Cynthia Villar nanggaling ang pagkuwestiyon sa desilting project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na naglalayong hukayin at palalalimin sana ang mga estero at iba pang ilog sa bansa na nagiging dahilan ng pagbaha lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Kwento ni Villar, naranasan nila sa Las Piñas ang hindi umusad na desilting project sa kabila ng pagpapadala sa kanila ng mga equipment ng DPWH.

Una aniya niyang nadiskubre ang modus ng mga tiwaling contractor sa desilting project mula sa isang opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga.

“Kaya ko rin nalaman yan, si Governor Pineda ng Pampanga, sinabi ko rin kay Mark (Villar), ibinibida niya sa akin yung mga contractor daw ng nagde-desilt hindi naman daw nagde-desilt, tapos yung mga empleyado ‘pinagbibili pa yung mga gasolina sa fisherman, so talagang hindi talaga maganda yang kontrata ng desilting. Na-experience ko din iyan sa Las Piñas na binigyan ako ng DPWH non na hindi man lang umandar maski isang minuto yung nagdesilt, nasingil yung desilting," kwento ni Villar.

Sabi ni Villar, sa panahon ng anak na si Mark Villar sa DPWH, sila na mismo ang nagsasagawa ng desilting matapos madiskubre ang modus ng mga tiwaling contractor.

Payo ni Villar, bigyan na lang ng equipment para sa desilting ang bawat local government unit (LGU) at ipaubaya na sa kanila ang desilting ng mga estero at ilog sa bansa.

Sabi ni DENR Secretary Roy Cimatu, matapos ang rehabilitasyon sa Baywalk sa Maynila, tututukan naman nila ang desilting ng nasa 300 estero sa Metro Manila at kasama sa proyekto ay ang pamimigay ng mga backhoe at dredging equipment sa mga LGUs.

“This is the first time na ma-isyuhan yung mga local government units ng backhoe, for bidding na po yata ito. We have just started lang dito sa Baywalk but the bigger part will be part of all the 300 esteros for Metro Manila,” ani Cimatu.

Sabi pa ni Cimatu, malaki na rin ang nagawang desilting at dredging operations sa Cagayan River at Marikina River sa tulong ng DPWH.