Pagtuturo nang higit sa 6 na oras problema ng mga guro, ayon sa grupo

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagtuturo nang higit sa 6 na oras problema ng mga guro, ayon sa grupo

ABS-CBN News

Clipboard

Pinag-aaralan noong Oktubre 2, 2020 ng 38 anyos na guro na si Lanie Clemente kung paano magtuturo ngayong distance learning na ang ipinatutupad sa mga paaralan dahil sa coronavirus pandemic. George Calvelo, ABS-CBN News

MAYNILA - Talamak sa mga guro ang pagtuturo nang higit 6 na oras, taliwas sa ipinag-uutos ng batas, sabi ngayong Huwebes ng grupong Teachers' Dignity Coalition.

Ayon kay TDC Chairman Benjo Basas, maraming guro ang nagtuturo nang sobra sa 6 na oras, taliwas sa Sec. 13 ng Magna Carta for Public School Teachers na nagsasabing hindi puwedeng obligahin ang mga gurong magturo nang higit sa ganoong panahon.

"Maaaring naitatakda 'yong limitation po ng working hours pero doon sa mga pagkakataon na lumalampas doon sa limitation, hindi po nabibigay ang compensation. Mapatutunayan po ng ating mga teacher 'yan," sabi ni Basas sa isang pagdinig sa Senado.

Isa lamang umano iyon sa mga probisyon ng Magna Carta for Public School Teachers na hindi naipapatupad.

ADVERTISEMENT

Ayon pa kay Basas, hindi rin napapatupad nang maayos ang pagbibigay ng special hardship allowance, paid study leave at salary increase.

Nagsasagawa naman na ng pag-aaral ang Department of Education kung paano mapapagaan ang workload ng mga guro, ani Undersecretary Jesus Mateo.

"Kasi in the initial findings that we did, parang lumalabas po, some of the functions performed by our teachers are non-academic po. If you will look at our budget po, slowly, we are trying to create non-teaching positions," ani Mateo.

"We are also trying to manage the teacher-pupil ratio kasi may function po 'yan sa load ng teachers natin," dagdag niya.

Sa susunod na pagdinig, pinasusumite ni Senate Basic Education Committee Chairperson Sherwin Gatchalian ang DepEd ng kanilang checklist, time table at budget estimate upang mapatupad nang maayos ang batas.

Nauna nang nanawagan sa DepEd ang mga guro na bawasan ang kanilang workload, na tila anila dumami sa pagpapatupad ng distance learning bunsod ng COVID-19 pandemic.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.