Pekeng NBI agent, timbog sa pangingikil

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pekeng NBI agent, timbog sa pangingikil

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 16, 2019 01:25 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaking nagpanggap umanong agent nila matapos ireklamo ng isang negosyante dahil sa umano'y pangingikil.

Hinuli ng NBI Special Action Unit sa isang restoran sa Maynila ang suspek na Vic Enaje matapos nitong tanggapin ang P5 milyon entrapment money mula sa nagreklamong si Annabelle David.

Ayon kay David, nakilala niya si Enaje, na nagpakilalang NBI agent, sa gate ng tanggapan ng ahensiya. Tinulungan daw siya nito sa pagkuha ng clearance sa isang hiwalay na kaso.

Pero nagduda na si David nang pagbantaan siya ni Enaje.

ADVERTISEMENT

Hiningan daw ni Enaje si David ng pera kapalit ng kasunduang aaregluhin niya ang mga rekisito sa negosyo ni David kahit nauna na siyang nagbigay.

Tumanggi namang magkomento si Enaje sa mga paratang.

Ayon kay Emeterio Dongallo, hepe ng NBI Special Action Unit, hindi nila ahente si Enaje kundi volunteer kapag nagkukulang sila ng tao.

Nakakulong si Enaje sa kasong robbery extortion at usurpation of authority.

Ipinapayo ng NBI sa publiko na deretsong lumapit sa kanilang tanggapan sakaling may reklamo.

--Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.