5-anyos nalunod sa pananalasa ng bagyong Paeng sa Ormoc
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
5-anyos nalunod sa pananalasa ng bagyong Paeng sa Ormoc
ABS-CBN News
Published Oct 29, 2022 12:21 PM PHT
|
Updated Oct 29, 2022 03:07 PM PHT

Nalunod ang isang limang taong gulang na bata sa Purok 4 Brgy. Juaton sa Ormoc City, sa kasagsagan ng pag-ulang dulot ng Bagyong Paeng, pasado alas 4 ng hapon nitong Biyernes.

Ayon sa BFP Ormoc, naligo sa drainage canal ang biktima kasama ang 9 na taong gulang na kapatid at dalawang mga batang pinsan. Pero dahil sa lakas ng agos ng tubig, inanod ang bata.

Agad na nagsagawa ng search and retrieval operations ang BFP Ormoc sa tulong ng mga kapitbahay ng bata pero patay na ng matagpuan ito.

Samantala, may ilan namang nailigtas mula sa kani-lanilang mga tahanan sa Samar at sa Sorsogon City.
Samantala, may ilan namang nailigtas mula sa kani-lanilang mga tahanan sa Samar at sa Sorsogon City.
ADVERTISEMENT
Nagtulong-tulong ang mga rescuer na makuha mula sa kanilang bahay ang dalawang bata at kanilang ina matapos matabunan ng landslide Biyernes ng gabi sa Purok 3, Brgy. Bunu-anan, Catbalogan City, Samar.

Sa kabila ng malakas na ulan na dala ng pananalasa ng Bagyo Paeng hindi ito naging hadlang sa mga rescuer para sagipin ang mag-ina.

Ayon sa impormasyon mula sa Catbalogan City Disaster Risk Reduction and Management Office dahil sa ilang araw na pag-ulan lumambot ang lupa sa lugar na siyang dahilan sa nangyaring landslide na tumabon sa isang bahay

-- Nabagsakan ng acacia sa Sorsogon --
-- Nabagsakan ng acacia sa Sorsogon --
Pasado alas-10 ng parehong araw naman ay nasugatan ang dalawang kataong nakamotorsiklo matapos mabagsakan ng punong acacia sa Gabao Bacon District, Sorsogon City.

Ayon kay Sorsogon City MDRRM Officer Louie Mendoza, nasa kritikal na kondisyon ngayon si Christopher Duka na siyang direktang natamaan ng pagbagsak ng puno habang ligtas na si Aldrin John Cruz na siyang nagmamaneho ng motorsiklo.

Parehong residente ang mga biktima ng Poblacion, Bacon District, Sorsogon City na papunta raw sa Sorsogon City nang mangyari ang insidente.

Nabuwal umano ang puno ng acacia na nakatanim malapit sa sapa dahil sa paglambot ng lupa dala ng walang tigil na pag-ulan bunsod ng bagyong Paeng.

Agad naman na nagsagawa ng clearing operations ang Sorsogon CDRRM katuwang ang iba pang mga ahensya ng gobyerno sa nasabing kalsada at natapos ito pasado alas dose kagabi. Pangunahing kalsada ang lugar na daanan ng mga motorista galing sa lungsod papuntang Bacon District.

-- Bangkay natagpuan sa Antique --
-- Bangkay natagpuan sa Antique --
ADVERTISEMENT
Samantala, isang bangkay ng lalaki na biktima ng landslide ang natagpuan sa Brgy. Camandagan, Sitio Bakili, Tobias Fornier, Antique, Sabado, October 29, 2022.

Kinilala ang biktima na si Owa Sombilon.

Sa Facebook post ni Mayor Toto Ernesto Olaer Tajanlangit lll nanawagan ito sa mga residente na nakatira sa mga landslide prone areas na mag evacuate na. — Ulat nina Aireen Perol, Rolen Escaniel, Ranulfo Docdocan at Sharon Evite