Sunog sumiklab sa Las Piñas City

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sumiklab sa Las Piñas City

Jose Carretero,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Sumiklab ang sunog sa Velasquez Compound, Barangay Ilaya, Las Piñas City, hapon ng Lunes.

Ayon kay Supt. Melchor Isidro ang Fire Marshal ng Las Piñas, nagsimula ang sunog sa isang bahay sa looban.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog.


Ayon kay Isidro, nahirapan silang apulahin ang apoy dahil sa masikip na daan.

“Napakalayo po ilang latag po ng hose ang ginawa natin, siguro mula dito mga limang hose po. Napakasikip po ng daan, tapos kanina medyo nagkagulo po yung tao kaya medyo nahirapan tayo, pero so far naman nakatulong sila ng maorganize na po,” ani Isidro.

Aabot sa 22 bahay ang nasunog.

Mga light materials ang karamihan sa nasunog pero may ilang kongkretong bahay din ang nilamon ng apoy.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa pinagmulan ng apoy.

May isang residente na nasugatan habang isang babaeng matanda naman ang nagtamo ng first degree burn.

Halos alas-8 ng gabi na nang ideneklarang fire under control ang sunog.

Nananawagan naman ng tulong ang mga nasunugan gaya ni Nicanor Pontaniel na naubos ang gamit.

“Dun po sa likod ang sunog, bale ang nalabas lang po yung ref lang, wala nang iba,” ani Pontaniel.

Sa covered court ng barangay pansamantalang nanunuluyan ang mga nasunugan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.