Mass grave ng mga namatay sa bagyong Sendong, binisita ng mga kaanak
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mass grave ng mga namatay sa bagyong Sendong, binisita ng mga kaanak
Joey Taguba Yecyec,
ABS-CBN News
Published Nov 02, 2018 06:59 PM PHT

CAGAYAN DE ORO CITY- Binisita ng mga kaanak ng mga nabiktima ng bagyong Sendong ang mass grave sa City Memorial Park sa lungsod na ito ngayong Undas.

Ayon kay Randolph Fuentes na tagapangasiwa ng sementeryo, magpipitong taon na mula nang mangyari ang trahedya at marami pa rin ang bumibibisita sa Sendong mass grave para mag-alay ng kanilang dasal at kandila tuwing Undas.

Isa na dito si Guillermo Uriarte na inalala ang matinding karanasan ng kaniyang buong pamilya.

Kwento ni Guillermo, hindi inasahan ng kaniyang pamilya ang malakas na agos ng tubig baha kaya natangay sila pati na ang kanilang bahay sa Barangay Macasandig. Hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw kung anong nangyari sa kaniyang pamilya at nananatili silang missing.

Hindi man natagpuan ang labi ng kaniyang pamilya, umaasa si Guillermo na kasama sa mga nalibing sa Sendong mass grave ang mga ito. Kaya tuwing Undas, bumibisita siya dito para mag-alay ng dasal at magsindi ng kandila.

Umaasa din si Guillermo na may resulta na ang ginawang DNA testing ng gobyerno para matukoy kung kasama sa mga labi na nasa mass grave ang kaniyang pamilya.

Sa record ng City Memorial Park, nasa higit 200 bangkay ang inilibing sa mass grave. Kabilang na dito ang mga hindi na nakikilala at wala nang mga kaanak.

Sa record ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot sa higit 600 ang nasawi sa Cagayan de Oro City dahil sa bagyong Sendong habang nasa higit 1,000 ang bilang ng namatay sa rehiyon.