Bagyong Rolly nag-iwan ng matinding pinsala sa Catanduanes | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bagyong Rolly nag-iwan ng matinding pinsala sa Catanduanes

Bagyong Rolly nag-iwan ng matinding pinsala sa Catanduanes

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 02, 2020 08:20 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hindi bababa sa 6 ang patay habang 4 ang sugatan sa pananalasa ng bagyong Rolly sa Catanduanes, kung saan unang nag-landfall ang bagyo noong madaling araw ng Linggo.

Sa press briefing ngayong Lunes, sinabi ni Catanduanes Governor Joseph Cua na pagkalunod ang sanhi ng pagkamatay ng 6 tao sa lalawigan.

Nasa 15,000 pamilya naman ang naapektuhan ng Rolly, na itinuturing na pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon.

Sa tala ng Office of Civil Defense ng Bicol region, tinatayang 10,000 bahay ang napinsala, kabilang iyong mga nasa tabingdagat.

ADVERTISEMENT

Nasa 80 porsiyento naman ng electric facilities ang napinsala.

Wala pa ring kuryente at apektado ang cell sites sa lalawigan kaya limitado ang komunikasyon.

Pero ayon kay Cua, sinisikap nang maibalik agad ang mga linya ng komunikasyon.

Kabilang sa mga naapektuhang bayan ang Bato, Gigmoto, Baras, Virac, at San Andres, ani Cua.

Nanawagan din ang gobernador na maibalik na ang ferry system dahil pansamantalang dumaong sa Albay ang ilang ferry sa Catanduanes noong bagyong Quinta.

ADVERTISEMENT

May nakaantabay nang food packs habang may paparating na pagkain at tubig mula sa iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Maghahatid din ang Philippine Red Cross (PRC) ng food truck, water tank, pay loader, mga sako ng bigas, hygiene kits at iba pang pangangailangan sa Catanduanes.

Handa rin ang PRC na magsagawa ng COVID-19 swab test sa mga residente kung kailangan, sabi ng chairperson nitong si Sen. Richard Gordon.

May 50 Red Cross volunteers ang patungo ngayong Albay at Catanduanes.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.