TINGNAN: Mga papunta, galing sementeryo sa Biliran nahirapang makatawid sa baha | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Mga papunta, galing sementeryo sa Biliran nahirapang makatawid sa baha
ABS-CBN News
Published Nov 02, 2022 02:10 PM PHT
|
Updated Nov 02, 2022 08:16 PM PHT

Nahirapang tumawid sa bahang kalsada ang mga bibisita at pauwi ng sementeryo sa Caibiran, Biliran ngayong Miyerkoles.

Binaha ang nasabing kalsada sa Barangay Maurang bunsod ng malakas na buhos ng ulan.

Sa lakas ng agos ng tubig, naghawak-hawak at nagtulong-tulong para makatawid sa baha ang mga residenteng papunta at galing sa sementeryo.

Dahil din sa lakas ng agos ng tubig, hindi na pinilit ng ilang motorista na tumawid sa baha.
Dahil din sa lakas ng agos ng tubig, hindi na pinilit ng ilang motorista na tumawid sa baha.
ADVERTISEMENT
Ayon sa residenteng si Chester Verunuque Troyo, kabilang sa mga pinagtulungan upang maitawid sa baha ang isang manganganak na babae, na agad dinala sa rural health unit.

Kahit masama ang panahon, maraming Pilipino pa rin ang bumisita sa mga sementeryo ngayong panahon ng Undas. May ilan namang sementeryo sa bansa ang binaha bunsod ng Bagyong Paeng.

— Ulat ni Sharon Evite
KAUGNAY NA ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT