3 sa 4 bahay sa Virac, Catanduanes winasak ng 'Rolly'

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 sa 4 bahay sa Virac, Catanduanes winasak ng 'Rolly'

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 03, 2020 06:59 PM PHT

Clipboard

Tatlo sa bawat 4 na bahay sa Virac, Catanduanes ang nasira o nawasak ng nagdaang bagyong Rolly. Jeff Canoy, ABS-CBN News

(UPDATE) Tatlo sa bawat 4 na bahay sa Virac, ang kabisera ng Catanduanes, ang nawasak ng bagyong Rolly, ayon sa alkalde ng bayan.

Unang nag-landfall noong Linggo ang Rolly, na noo'y super typhoon, sa Catanduanes kaya nakapag-iwan ito ng matinding pinsala sa island-province.

Tatlo rin ang kumpirmadong namatay sa bayan matapos malunod sa flash floods, ayon kay Virac Mayor Sinforoso Sarmiento Jr.

Unti-unti na rin umanong nauubos ang pera ng lokal na pamahalaan dahil sa sunod-sunod na bagyo at naging tugon sa COVID-19 pandemic.

ADVERTISEMENT

"Hindi mo rin mapigilan na maiyak na noong nag-iikot kami. Maraming pamilya ang talagang 'di alam kung paano mag-uumpisa kasi nawalan talaga ng tirahan," ani Sarmiento.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dumating din ngayong Martes sa Catanduanes ang mga tauhan ng Philippine Air Force na may dalang kahon-kahong ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development.

Pero nanawagan pa rin umano ang mga taga-Virac para sa mga masisilungan, lalo't maraming bahay ang tuluyang nasira ng bagyo.

Nanawagan din ang mga residente ng pagkain, tubig, at medisina.

Sa ngayon, hindi alam ng mga nasalanta, gaya nina Allan Templonuevo at Albert Cahuday, kung paano babangon.

ADVERTISEMENT

Noong kasagsagan ng bagyo, sa Santo Domingo Elementary School tumakbo sina Templonuevo at Cahuday para sumilong.

Pero hindi tulad ng dati, hindi kinaya ng paaralan ang puwersa ng hanging dala ng bagyong Rolly.

Nang tangayin ng bagyo ang bubong at mawasak ang mga bintana, 19 na evacuee, kasama ang isang sanggol, ang nagsiksikan sa isang maliit na CR.

"Akala namin mamamatay na kami. Bubong ng CR na lang hawak namin," ani Templonuevo.

"Hanggang ngayon, 'di pa ako makatulog sa kakaisip," aniya.

ADVERTISEMENT

Dahil hindi na kasya sa CR, sumilong naman sina Cahuday sa ilalim ng maliit na lamesa at nagyakapan na lang ng asawa at 5 anak.

Tinatawag umano nila ang isa't isa kada minuto para matiyak na buhay pa.

Nananatili namang bagsak ang linya ng komunikasyon sa isla.

-- Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.