Barangay councilor patay sa hinihinalang accidental firing
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Barangay councilor patay sa hinihinalang accidental firing
Mariz Laksamana,
ABS-CBN News
Published Nov 09, 2017 09:02 PM PHT

Patay ang isang barangay councilor sa hinihinalang insidente ng accidental firing sa Calamba City, Laguna nitong Huwebes.

Bumangga sa bumper ng sinusundang sasakyan ang minamanehong SUV ni Rogelio Paral, konsehal ng Barangay Turbina at isa ring retiradong pulis.

Sa pagresponde ng mga awtoridad, nadiskubreng may tama ng bala sa ulo si Paral na agad nitong ikinamatay.

Sa inisyal na imbestigasyon, walang nakitang butas na pinasukan ng bala mula sa labas ng sasakyan.
Sa inisyal na imbestigasyon, walang nakitang butas na pinasukan ng bala mula sa labas ng sasakyan.
ADVERTISEMENT
"When we responded, we found the driver si Rogelio Paral already lifeless with a gunshot wound in the head. Further investigation showed na walang entry [or] exit dun sa sasakyan at wala ring exit wound dun sa victim,” ani Police Supt. Sancho Celedio, hepe ng Calamba City Police.

Tuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente pero isa sa mga tinitingnan umano nilang anggulo ang posibleng accidental firing.

"So we're looking at possible self-accident although it could also be a case of suicide pero less likely kasi umaandar eh, and according to the driver of the Fortuner, 'yung kanilang binangga sa unahan, wala naman silang napansin na lumabas from the car nung victim, so at this point it could be a case of a self-accident,” ani Celedio.

Narekober ang isang kalibre .40 na baril pero ang nakuhang basyo ng bala ay para sa isang kalibre .45.

Hindi tumagos ang bala sa ulo ng biktima kaya hindi pa umano matukoy ng pulisya kung anong klase ng bala ang nakabaon sa ulo nito.

Kasalukuyang hinihintay ng mga awtoridad ang resulta ng autopsy at ang report mula sa Firearms and Explosives Office (FEO) sa Philippine National Police headquarters para malaman kung lisensiyado ang nakuhang baril mula sa biktima. Nangangalap din ang mga awtoridad ng CCTV footage sa lugar na pinangyarihan.

"We have yet to get the verification report from FEO from Camp Crame, but the son of the victim is already telling us na walang registration 'yung baril, hindi lisensiyado,” ani Celedio.