DepEd pabor sa pagkakaroon ng limitadong face-to-face classes

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DepEd pabor sa pagkakaroon ng limitadong face-to-face classes

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 11, 2020 04:48 PM PHT

Clipboard

(UPDATE) Muling iginiit ng Department of Education na pabor ito sa pagkakaroon ng face-to-face classes, lalo na sa mga lugar na itinuturing na "low risk" sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).

"Kung DepEd lang ang tatanungin, ang posisyon ng DepEd talaga ay gusto natin may face-to-face, kahit limited face-to-face. Kaya lang may national policy tayo so susunod muna tayo sa national policy," sabi ngayong Miyerkoles ni Education Undersecretary Alain Pascua sa isang consultative meeting kasama ang mga school head sa Sorsogon.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Binitawan ni Pascua ang pahayag matapos sabihin ng isang school official na may ilang subject na kailangan talagang ituro nang face-to-face.

Nanawagan din noong Martes ang ilang grupo sa DepEd na muling magkaroon ng face-to-face classes sa lalong madaling panahon dahil pahirap anila ang distance learning.

ADVERTISEMENT

Nagsasagawa na rin ng konsultasyon ang DepEd ukol sa pagbabalik ng face-to-face classes, na ipaaabot kay Pangulong Rodrigo Duterte, ani Pascua.

Ayon kay Pascua, isinasaalang-alang din ng DepEd ang health protocols na dapat sundin kapag pinayagan ang limitadong face-to-face classes.

Ayon sa Malacañang, na kay Pangulong Duterte ang pasya kung matutuloy ang pagbabalik ng face-to-face classes sa Enero 2021.

Distance learning nakikitang solusyon sa classroom shortage

Inihayag din ni Pascua na nakikita niyang solusyon sa kakulangan ng silid-aralan ngayon sa bansa ang distance learning.

Ibig sabihin, ani Pascua, gagamitin pa rin ang TV, radio at online classes kahit pa bumalik na ang face-to-face classes.

ADVERTISEMENT

Aabot sa 200,000 silid-aralan ang kulang sa bansa at hanggang 30,000 lang ang kayang maipagawa ng DepEd base sa pondong inilaan para sa ahensiya, sabi ni Pascua.

"Puwede na siguro nating hatiin 'yong mga klase later. Kalahati [ng mga estudyante], papasok M-W-F; kalahati nandoon sa bahay, manonood ng TV o kaya radyo o kaya may internet connection. 'Yong kalahati, papasok T-Th-S," ani Pascua.

"Solved ang classroom shortage, may social distancing pa sa loob ng classroom," aniya.

Plano umano ng DepEd na magtalaga ng radio stations sa lahat ng paaralan sa bansa sa loob ng 2 hanggang 3 taon, at gawing permanente ang DepEd TV.

-- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.