Barangay sa QC, nagpalikas ng mga residente mula sa mga mabababang lugar

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Barangay sa QC, nagpalikas ng mga residente mula sa mga mabababang lugar

Wheng Hidalgo,

ABS-CBN News

Clipboard

Pinalikas ang mga residente ng Brgy. Bagong Silangan, Quezon City na palaging binabaha tuwing may bagyo.

MAYNILA - Isa ang Brgy. Bagong Silangan sa binabantayan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City tuwing umuulan o may bagyo dahil may mga lugar dito na madaling bahain.

Pagkadeklara ng tropical cyclone signal no. 3 sa Metro Manila at paglabas ng order ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na kailangan na magpalikas ng mga residente sa mga bahaing lugar, agad nagbahay-bahay ang disaster and risk reduction team ng Bagong Silangan para sa forced evacuation sa mabababang lugar sa kanilang barangay kagaya ng Sitio Tagumpay, Bona, New Greenland, Mt. Carmel Village, Isla Pulang Bato at Tumana.

Kahit yellow alert warning pa lang, nagsisimula nang bumaha sa mga lugar na iyon kaya pasado alas-dose nitong Miyerkoles ng tanghali sapilitan na nilang pinalikas ang mga residente kaysa abutan pa ng malakas na ulan.

Agad naman sumunod ang karamihan at tumuloy na sa evacuation sites kagaya ng Bagong Silangan covered court kung saan may 23 pamilya. Sa Bagong Silangan Elementary School, na pinakamalaking evacuation site, ay may 37 pamilya.

ADVERTISEMENT

Meron din evacuees na nanatili sa Sulyap housing project at lumang palengke covered court.

Mahigpit namang pinatutupad ang safety protocols sa evacuation center. Minomonitor nila ang temperatura ng evacuees.

Bawat isang pamilya na may 4-5 na miyembro ay may isang tent habang ang mga nasa classroom ay hanggang 10 tao lang ang pwedeng manatili doon.

Bandang 11 ng gabi tumaas na hanggang dibdib ang baha sa Tagumpay Extension at sinagip ng barangay disaster and risk reduction team ang mga pamilya na hindi agad lumikas.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.