Lalaking nanakit ng alagang aso, inireklamo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking nanakit ng alagang aso, inireklamo

Lalaking nanakit ng alagang aso, inireklamo

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nasagip ang isang aso matapos makuhanan ng video na sinasaktan ng kaniyang amo.

Sa video na kuha ni alyas "Mela" noong Biyernes, Nobyembre 10, makikita si Pepito Tuala na puwersahang hinahatak ang kaniyang alagang aso sa leeg.

Papaliguan ni Tuala ang alaga pero nagpupumiglas ang aso, na napaiyak at kapansin-pansing nasasakal na.

Binasa ng amo ang aso pero nagpatuloy ito sa pag-iyak at pagpupumiglas, kaya hinampas ni Tuala ng tabo sa ulo ang aso.

ADVERTISEMENT

Tila nahilo at nanghina ito sa pagkakapalo at napahiga.

Ayon kay Mela, ilang ulit na niyang nakita at narinig na sinasaktan ng kapitbahay ang alaga nito.

Bago pa ang mga eksena sa video, hinampas raw ni Tuala ang katawan ng aso sa palanggana.

May-ari rin ng hayop si Mela kaya hindi nito natiis ang pang-aabuso ni Tuala sa alaga.

Paliwanag ni Mela, in-upload niya ang video sa social media para makahingi ng tulong.

ADVERTISEMENT

Kuwento naman ni Tuala, "animal lover" talaga siya at hindi sinadya ang pananakit.

Sa katunayan, dalawa pa ang inaalagaang aso ni Tuala.

Pero aminado naman si Tuala na napalo ang aso dahil napagbuntunan niya ng galit.

Kuwento niya, uminit ang kaniyang ulo nang murahin siya ng isang batang sinita niya dahil binato ang kaniyang aso.

Agad namang rumesponde ang Bantay Animal Welfare (BAW), isang non-government organization.

ADVERTISEMENT

Kinausap ng BAW si Tuala at ang mga tauhan ng barangay.

Pumayag si Tuala na ibigay sa grupo ang aso.

Ayon kay Fernaline Limcaco, kinatawan ng BAW, posibleng na-trauma ang aso sa pananakit dahil nanginginig ito sa takot tuwing lalapitan ng tao.

Nagpaalala ang BAW sa publiko na malaking responsibilidad ang pag-aalaga ng aso.

Kung wala umanong pasensiya at oras, mas mabuti pang huwag na lang piliting mag-alaga.

-- Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.