Chihuahua na-hit-and-run; drayber na nakasagasa pinaghahanap | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Chihuahua na-hit-and-run; drayber na nakasagasa pinaghahanap

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 15, 2018 12:37 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pinaghahanap ngayon ang drayber ng isang pulang kotseng nakasagasa at nakapatay sa tumatawid na aso sa Barangay South Triangle sa Quezon City umaga ng Miyerkoles.

Sa CCTV footage, makikitang unang dumaan ang isang pitbull kasunod ang isang chihuahua na may pangalang "Calvin."

Pero sa kasamaang palad ay nasagasaan ang chihuahua ng pulang kotse, na ikinamatay nito. Tuloy-tuloy naman ang pagtakbo ng sasakyan.

Makikita rin sa CCTV ang paglulupasay ng caretaker ng aso sa gitna ng kalsada nang makita ang alagang wala nang buhay.

ADVERTISEMENT

Ani Debralyn Alejo, pinaubaya lang sa kaniya ng among nag-aaral sa Canada ang pag-aalaga kay Calvin.

"Napamahal na din po ako doon [kay Calvin]. Katabi ko pagtulog. Pagkain," aniya.

Kuwento pa ni Alejo, aksidenteng nakalabas ang mga aso sa kanilang gate.

Dadalhin na sana ng may-ari ang aso sa Canada sa Disyembre para magkasama na sila.

Tinutulungan ngayon ng grupong Lawyers for Commuters Safety and Protection ang paghahanap sa salarin na nakasagasa.

Ayon sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS), posibleng kasuhan batay sa Animal Welfare Act ang nakasagasa kahit na may resposibilidad si Alejo sa nangyari.

-- Ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.