Jeep nahulog sa ilog sa Camarines Sur; 12 sugatan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Jeep nahulog sa ilog sa Camarines Sur; 12 sugatan

Rizza Mostar,

ABS-CBN News

Clipboard

Nahulog sa ilog ang isang pampasaherong jeep sa Tinambac, Camarines Sur nitong Biyernes, Nob. 16, 2018. ABS-CBN News

TINAMBAC, Camarines Sur- Labindalawa ang sugatan matapos mahulog sa ilog ang sinasakyan nilang jeep dito nitong Biyernes.

Nawalan ng kontrol ang drayber ng jeep na si Rey Casyao sa paakyat na bahagi ng kalsada patungo sa tulay, ayon sa mga pulis

Nabunggo ng likurang bahagi ng jeep ang railing ng tulay at tuluyang nahulog sa ilog na mababaw lamang ang tubig, ayon kay PO3 Alberto Bernales

Duguan nang tumalon mula sa jeep ang 4 sa mga pasahero na unang tinulungan ng isang drayber ng traysikel na si Primo Marcelina. Kasalukuyang ginagamot sa ospital ang mga sugatan.

ADVERTISEMENT

Samantala, nakaligtas naman ang isang sanggol na 7 araw pa lamang ang tanda.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries ang drayber ng jeep.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.