2 mag-aaral hinangaan sa pagsagip sa matandang lalaki sa ilog

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 mag-aaral hinangaan sa pagsagip sa matandang lalaki sa ilog

Rizza Mostar,

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 22, 2019 04:19 PM PHT

Clipboard

Laking pasalamat ni Prospero Sueno, 74-anyos, sa pagsagip na ginawa ng dalawang mag-aaral. Inanod ng tubig si Sueno matapos na tumawid sa ilog. Larawan mula kay Jessa Virtuz Cepeda

Hinangaan at ipinagmamalaki ngayon ng kanilang eskuwelahan ang ipinamalas na kabayanihan at katapangan ng dalawang mag-aaral matapos nilang sagipin ang isang matandang lalaking inanod sa ilog sa Caramoan sa Camarines Sur nitong Huwebes.

Nakauniporme pa sina Edward Ortil at Joshua Amaro, kapwa senior high school ng Bonifacio Borebor Sr. High School nang tumalon sa ilog para isalba si Prospero “Pay Erong” Sueno, 74-anyos.

Hindi nag-atubili ang dalawang estudyante na tumalon sa ilog para tulungan ang matandang inaanod ng tubig sa ilog. Larawan mula kay Jessa Virtuz Cepeda

Unang nakita ng security guard ng paaralan na si Manuel Cepeda ang matanda na inaanod ng tubig sa ilog.

"Hindi ako puwedeng tumalon mula sa lokasyon ko kaya tumawag ako ng saklolo," sabi niya.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Pay Erong, nagpasya siyang umalis sa bukid at tumawid sa ilog. Laking pasalamat na lang niya sa dalawang binata na sumagip sa kaniya.

"Salamat na lang po at naisalba ako ng dalawang batang ito," sabi niya.

Ipinagmamalaki ngayon ng pamunuan ng paaralan at dibisyon ng Department of Education ang ginawa ng kanilang estudyante.

"We feel we are heroes," ayon kay Susan Collano, assistant Division Schools Superintendent ng DepEd.

Nakatakda namang bigyan ng komendasyon ang dalawang mag-aaral sa ipinakita nilang katapangan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.